******VLAD POV#***** Nakatulog si Aliah sa tabi ko. Kaya binuhat ko siya at pinasok sa silid ko. Kaso nakita ko na basang basa pa siya. kaya wala akong nagawa kundi ang bihisan siya. Ginamit ko na lang ang bilis ko para Hindi magtagal. Ang t-shirt ko ang sinuot ko sa kanya. pagkatangal ko ng mga damit niya. Pero kahit hindi naman ako napagod pinagpawisan ako ng husto sa ginawa ko. Dahil sa sobrang nervous. "Sorry! Aliah kailangan ko lang talaga gawin ito baka magkasakit ka pag Hindi kita binihisan." Bulong ko Saka kinumutan siya at lumabas na ng silid. Nakita ko na nagkakatuwaan parin sila sa tabing dagat. "Kumusta si Aliah Duke?" Tanong ni Troy ng makasalubong ako. "Natutulog na siya." Sabi ko sa kanya. "Kailangan ko bang bantayan siya?" Tanong nito. "Hindi na wala namang iba dito