CHAPTER 2

2048 Words
Chapter 2 “Tine! Hinatid ka nanaman ba ni Dell?” tanong sa akin ng isa kong classmate, bakit ba lagi na lang iyong bigdeal sa kanila? Parang hindi nila talaga gusto na kasama ko si Dell, kaibigan ko naman ang isang iyon. “May masama ba sa paghatid niya sa akin?” para namang masama iyon, aminado akong sobrang gwapo ni Dell. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ang tipo niya. “Sinasabi ko lang, saka isa pa. Hindi kayo bagay, masyado kang mahirap.” taray niya sa akin at umalis sa harap sa harap ko. Umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi, totoo ba ang narinig ko? Sinabihan niya akong ‘hindi kami bahay, dahil isa akong mahirap? Ipapakita ko talaga sa inyo ang kakayahan ko! “Mabuti na lang talaga at hindi siya kay Pivo nakaaligid, kung hindi ay patay na!” nagawa pa nilang magrinig, samantalang naririnig ko naman ang sinasabi nila tungkol sa akin. “Alam mo kung ako sa ‘yo ay hayaan mo na lang ang mga iyon, wala namang ambag ‘yon sa ‘yo.” kumakain kaming dalawa ni Dell sa cafeteria nang magtanghalian, sinundo nanaman niya ako sa room namin at maraming babae nanaman ang nagsitilian, “Sabi ko naman kasi sa ‘yo ay ‘wag mo na akong sunduin.” inilabas ko ang aking dalang baon, gayon rin ang kaniya. Parehas kaming nagdadala ng baon, minsan ay bigay pa sa akin iyon ni Dell, dahil binibigay raw ni tita Belle, ang mama ni Dell at Pivo. “Nakakailang ulit mo na ‘yang sinasabi sa akin, mukha ‘bang makikinig ako sa sinasabi mo?” kakamot-kamot niya ang kaniyang noo, “Ikaw na nga lang ang kaibigan ko, ‘tapos gano’n pa?” ngumuso akong tignan siya, ngunit agad kong napansin ang isang lalaki na paparating sa gawi namin. Agad kumunot ang aking noo, aminado ako noon na gusto ko siya. Nahumaling ako sa kaniyang kagwapuhan, bago ko ipilit ang sarili ko na gusto ko si Dell. “Levorn! Berlie!” agad akong tumaray, mabilis niyang inilapag ang kaniyang dalawang kamay sa mesa namin. “’Wag mo nga kaming tawagin kuya sa ganiyang pangalan.” asik ni Dell sa kaniyang panganay na kapatid na si Pivo, kahit anong inis ang gawin ko sa kaniya ay hindi pa rin matago ng kaniyang mukha ang kagwapuhan nitong taglay, ngunit babaero naman. Tss.. “Kumusta, Berlie? Masarap ba ang pagkain mo?” “Mas masarap kung ihahampas ko sa ‘yo ‘to.” “Ow..” umawang ang kaniyang labi nang sabihin ko iyon sa kaniya, habang hawak-hawak ko ang tumbler ko na masarap ihampas sa kaniya. Mahilig talaga siyang mang-asar, feeling ko ay hindi buo ang kaniyang araw na hindi niya ako naasar. “Well, kaya ako naparito, dahil-” hindi niya iyon natuloy nang biglang may humawak sa kaniyang braso. Kumunot ang noo kong tignan kung sino iyon, “Pivo! Akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan.” nagkatinginan kaming dalawa ni Dell, mukhang alam na namin kung bakit siya naririto. “Zen!” tila maligalig kung batiin ni Pivo ang babaeng ito. Siya si Zenlite Litaques, ‘Zen na lang for short. Isang babaeng brown-black ang buhok at matangos ang ilong. Maganda ang labi at higit sa lahat ay may hubog ang katawan, sabihin na nating mas maganda lang ang sabon niya kaysa sa akin. “Later, ha! ‘Wag mo kakalimutan.” kindat nito sa kaniya ni Zen, “Later, ha!” panggagaya ko sa kaniyang boses na animo’y parang balimbing sa sobrang lambot kung magsalita. “So! Don’t tell Mom.” see? I already knew it! Sa tuwing napunta siya rito ay gano’n naman lagi ang sinasabi niya, lagi niyang sinasabi sa amin na. “’Wag mong sasabihin kay Mommy.”, “’Don’t tell Mom.”, “Don’t even try to tell Mom.” paulit-ulit na lang ang ganiyang pangyayari sa amin. “See you later, brother and Berlie.” ngumisi akong tignan siya, hindi ako natutuwa sa kaniya. Saan naman kaya siya pupunta? “Hays, ano nanaman kaya ang sasabihin ko kay Mommy?” tila namomoblema nanaman ang kaibigan ko sa ginagawa ni Pivo, “Alam mo, kung ako sa ‘yo? Isusumbong ko talaga ‘yang kapatid mo!” sinilip ko ang Pivo na kung saan ay naglalakad na palayo sa amin. “Kilala mo naman si Kuya, pag hindi nasusunod ang gusto ay magagalit.” kung hindi ba naman isang engot rin ang lalaking ito. Bakit niya hahayaang magsinungaling siya, para sa kuya niyang sira-ulo? “Nasasanay na kasi ‘yan, parang ikaw ang panganay kaysa sa kaniya.” mabilis kong nilantakan ang aking pagkain, hinayaan ko na lamang siyang magsalita sa kung anu-ano. Lalo na nang sabihin niya sa aking nililigawan niya si Kim. “Satingin mo? Ano ba gusto ng babae?” ang gustuhin mo ko, gusto ko sanang isagot ‘yon sa kaniya, ngunit hindi ko magawa. Sa taon na naming magkaibigan ni Dell ay hindi naman siya mahirap mahalin. Ang totoo n’yan ay una ko talagang nagustuhan si Pivo sa kaniya, hindi ko man kilala ang panganay niyang kapatid nu’ng maging magkaibigan kami ay nahulog ang puso ko sa kaniyang panganay na kapatid. Ngunit ‘nung nitong nakaraan taon lamang ay nag-iba na ang kaniyang ugali, tila parang sabik na sabik na siya sa babae, hindi tulad noon na masaya lamang siyang naglalaro sa cell phone niya o hindi naman kaya ay masaya siyang kumukuha ng litrato sa farm. “Maraming gusto ang babae, dipende na lang siguro kung sino’ng babae ang mapapalad na bigyan mo nang kung ano.” matamblay akong kumain, malambing at mabait si Dell. Aminado akong ubod ng bait niya kaysa sa kaniyang kapatid na si Pivo. Minsan ganito talaga ang nangyayari sa utak ko, lagi na lang silang napagkukumparang dalawa sa isip ko. “Kumain ka na lang d’yan, hayaan mo na si Kuya at malaki na ‘yon.” tama nga naman siya, malaki na ang kapatid niya para intindihin ko pa. Mabuti na lang at mabilis kaming natapos sa pagkain ni Dell. Marami nanaman ang nakatingin sa aming dalawa. “Ang usapan ay nililigawan daw ni Dell ni Kim!” tumingin ako kay Dell, alam kong naririnig niya ang usap-usapan. Marami kasing chismosa sa school na ito. Hindi ba pa halata? “Kaya siguro hindi siya masagot-sagot ni Kim, dahil laging nasa tabi niya ang best friend niya kuno.” maraming may ayaw sa akin bilang kaibigan ni Dell. Marami kasi ang gusto na sila na lang ang maging kaibigan nito, ngunit si Dell ay ako lamang talaga ang gusto niyang maging kaibigan. “Hayaan mo na lang sila, ‘wag mo na lang silang pansinin.” iyan na lang lagi ang sinasabi niya sa akin. “Syempre, ano pa nga ba ang mamagawa ko, hindi ba?” taas kong tingin sa kaniya, siya nama nitong huminga ng malalim. “Sorry, nada-drag kita sa gantong gulo.” natawa akong nang sabihin niya iyon sa akin, mukha ‘bang may pakialam ako don? “Nah, sanay na ako d’yan.” saka ako ngumiti. “Tss, mamaya ay susunduin na kita. Isasabay natin si Kim mamaya.” pinilit ko siyang ‘wag na niya akong ihatid sa mismong room namin, mabuti na lamang ang nakinig siya dahil kung hindi ay malalagot nanaman ako sa mga chismosa. Wala rin akong kaibigan kahit isa na babae, tanging si Dell lang talaga. Minsan naman ay may mga lumalapit sa akin, ngunit hindi para kaibiganin ako. Kung hindi para kausapin ako kung ano ang gustong pagkain ni Pivo, pagkain ni Dell, ano ang hobbies nilang dalawa. Like duh? Ako nga ay hindi magustuhan ni Dell, at satingin naman nila ay magugustuhan sila ng isang Pivo Villion? Nako, isang malaking asa iyon! “Alam mo, Tine.” lumapit nanaman sa akin ang classmate kong si Jessa, “Hindi ako naniniwalang kaibigan lang ang tingin mo kay Dell.” tumaas ang dalawa kong kilay sa kaniya, “Bakit parang mas ikaw pa ang nakakaramdam ng feelings ko kaysa sa ‘kin? Ikaw ba ako?” hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong iyon sa kaniya, minsan talaga ay may pagkaganito ang ugali ko. “Hindi ka na nga mayaman, ang pangit pa ng ugali mo.” walang preno-preno ang kaniyang bibig kung sabihin iyon sa akin. “E, ikaw? Mayaman ka nga, pangit naman ang mukha mo.” “Ano’ng sabi mo!?” “Good afternoon, class!” mabilis akong napatingin sa harap, mabuti na lamang at dumating na ang aming teacher na magtuturo sa amin. Dahil kung hindi ay baka may masabi nanaman akong hindi maganda sa babaeng ito. “Tss, pasalamat ka talaga at may teacher na dumating.” “Thanks.” wala sa mood kong sambit, mas lalong lumukot ang kaniyang mukha nang sabihin ko iyon. Hindi doon natigil ang lahat, kahit matapos ang klase namin ay patuloy pa rin ang iilan sa bulungan tungkol sa akin. “Balita ko nga, kaya hindi masagot-sagot ni Kim si Dell, dahil daw kay Tine.” parang hindi ko talaga naririnig ang kwentuhan nila. “Ang hina naman n’yan, wala ‘bang mas lalakas pa tsismiss niyo?” may ugali akong masgaspang. Mahirap ako, oo, pero hindi ako nagpapatalo. Hindi kami sobrang hirap, may nakakain kami na tatlong beses sa isang araw. Iilang tulong ang ginagawa sa akin ng mga Villion, mula sa paghahatid at sundo sa akin kasama si Dell. Sumagot sa mga field trips ko at iba pang activities na need ng pera. “Marami ang nag-iisip sa inyo, kung ano ang gusto niyong maging. Hindi sa nira-rush namin kayo, ang gusto lang namin ay isipin niya na ang gusto niyo.” ako? Ako nga ba ang gusto ko maging? Habang nagsasalita ang teacher namin ay agad kong inilabas sa aking bag ang isang sketch pad ko. Doon ko kasi ginuguhit ang mga gusto kong maging itsura at itayong mga kung anu-ano. “Marahil ang iba ay gusto ay maging isang doctor, o maging guro tulad ko.” marami ang tumungo sa sinasabi ng aming teacher, habang ako naman ay patuloy pa rin na tinitignan ang mga guhit ko. “Ang iba ay gusto maging engineer, maging arkitekto at iba.” nang tignan ko ang teacher ko ay gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Tumaas ang kaniyang dalawang kilay at ngumiti, “Hindi masamang mangarap, ang masama ay hindi mo ginawa ang pangarap mo. Walang instant sa buhay, lahat ay magpagdadaanan kang hirap.” pagpapaalala niya pang muli, “Tuparin mo ang pangarap mo, maraming paraan para tuparin iyon. Maraming schools ang nagbibigay ng scholarships, malay niyo ay isa na kayo sa makitaan ng potensyal at ilipad kayo patungong Manila.” kumalabog ang aking dibdib, tila lumawak ang aking ngiti. Aabutin ko ang pangarap ko, hindi ko iyon susukuan. “Bakit ayaw mo sumabay sa amin?” tanong sa akin ni Dell nang nasa gate na kami, “Ano! E, pupuntahan ko kasi si Mama sa farm!” kinagat ko ang aking labi, nagsisinungaling ako sa kaniya. Napansin ko si Kim na nakatingin lamang sa akin, walang emosyon niya akong tignan. Habang si Dell naman ay pinipilit niya akong sumabay. “Magagalit si Tita n’yan sa akin, sinundo kita kaya dapat ay ihahatid rin kita.” umiling ako sa kaniyang gusto, iniisip ko rin kasi ang mga sinabi sa akin at mga narinig ko kanina. Hindi ako naapektuhan doon, pero para sa kaibigan ko ay gusto ko lamang bigyan siya ng oras kasama ang kaniyang nililigawan na si Kim. “Dell, sige na. Para ka namang sira, malapit lang ang farm rito, oh! Saka kasi may inuutos si Mama sa akin.” kamot-kamot ko pa ang aking noo, ang tagal naman niyang umalis. “Oh sige, ihahatid ko lang si Kim. Tapos susunduin kita sa farm, ‘wag kang aalis nang wala ako!” turo-turo niya ako, tila binabalaan bago sila umalis ni Kim at sumakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD