Chapter 12 Gunner's POV Mataman kong tinitigan si Anika ng lumabas mula sa tent. Hinagod ko ng tingin ang kabuuan niya. She's wearing above the knee cotton dress. Makinis at mapuputi ang mahahaba niyang hita. She was slim for her height na tingin ko ay nasa 5'7. Very pretty, may mga kulay brown na buhok na pilit humihiwalay sa nakatirintas niyang buhok. Hindi ko alam kong natural na brown or pinakulayan. So different from the long and silky hair that i really admired. Isa sa pagkakaiba nila ni Chantal but that was eleven years ago. Ang pagkakapareha nila those chinky eyes and framed by thick eyelashes. Celestial nose and seductive lips that curled at one corner dahil sa pagpigil na ngiti. Bumaba ang mga mata ko sa pagkakita sa mapuputi niyang braso niya na pinagkrus sa kanyang dibdib.