Chapter 32- Cruelty and Realization

2184 Words

Chapter 32 Anika / Chantal POV "Mama!" naibulalas ko and my eyes widened! "Saan ka galing?" Isang mapang–usig na tanong mula kay Mama. Nang maabutan ko siya sa bahay kampanteng nakapandekwatro sa kanyang favorite emerald green darcy chair na nasa gilid ng bintana. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Tumayo siya at kalkulado ang bawat hakbang patungo sa akin. I opened my mouth to say something. Ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi na halos magpabaling ng aking mukha. "Malandi ka!" Bulyaw niya sa akin at inulit ang isang sampal sa kanan kong pisngi. Kahit nanakit ang buo kong mukha taas noo parin akong tumitig sa kanya at pinigilan ko wag tumulo ang mga luha ko. Sanay na ako sa mga sampal niya kaya manhid na ako sa bawat sampal niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD