Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang makita ko ang profile ng aking mga magulang. Ang dami nilang pinost na pictures at videos sa kanilang bakasyon sa isang napakagandang resort. Nainggit tuloy ako at gusto ko rin na pumunta roon. Sabagay, malapit na rin naman ang break namin kaya magre-request ako kay Papa na magbakasyon din sa resort. Tatawagan ko na sana si Mama kagabi, pero baka ma-istorbo ko sila sa kanilang honeymoon. Baka iba pa ang marinig ko. Basta ang mahalaga ay okay na sila. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ko aayusin ang meron sa amin ni Kuya Wilder. Kakarating niya palang pero bigla niya na lang binaligtad ang mundo ko dahil sa kanyang ginawa at mga sinabi.
Last night was really awkward habang magkausap kami. Tinanong niya kung anong ginawa ni Kuya Vader rito and I told him a lie. I told him about the things we did except sa nangyari sa hot tub. Dalawang araw lang naman siyang nag-stay sa bahay kaya wala na kaming ginawa na iba pa. I think he was convinced and I hope he was. Wala namang indication na nagdududa siya at sana walang sinabi sa kanya si Kuya Vader.
Naglalakad ako papuntang school at gusto niya sana na ihatid ako. Agad akong tumanggi at baka pagkaguluhan naman siya doon. Bago pa niya ako mapilit, kumaripas na ako ng takbo at nagpaalam sa kanya. Nang pumasok ako ng campus, naglalakad pa lang ako sa hallway, may nakatingin na sa aking students. Hindi ko na lang sila pinansin, pero nagulat ako nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ang isa kong classmate sa isang subject, nakangiti siyang lumapit sa akin at binati niya ako.
“Ikaw, ah! Hindi mo man lang sinabi sa akin na may hot at sexy kang kapatid.” sabi nito at tumawa lang naman ako. “Is he single?” muntik na akong mapa-roll ng eyes ko at ngumiti na lang ako.
“Yeah, he is, hindi naman nagkakaroon ng girlfriend ‘yon, pero maraming babae.” pabiro kong sabi.
“Hindi na ko magtataka. Nagulat talaga ako nang makita ko siya. Akala ko nga may artista, although nagmumukha naman siyang artista. Pwede siyang male lead na red flag, bagay na bagay sa kanyang buhok.ang swerte mo naman at may kapatid ka na katulad niya.” tumango lang ako. “Pasensya ka na at tinanong ko siya, ah. Curious lang naman ako. Tsaka anagkalat ang pictures at videos niya sa social media, lalo na yong pagyakap niya sa’yo.” natigilan ako. Kinuha nito ang kanyang phone at may pinindot ito sa screen. Pinakita niya ito sa akin at may mga pictures nga ang aking kapatid at video namin. “Ikaw ngayon ang pinag-uusapan.”
“Hindi ba kapani-paniwala na may kapatid akong katulad niya?” natatawa kong sabi. “He was just visiting at imbes na sa bahay siya pumunta, eh, gumawa siya ng eksena rito. Sabi ko na nga ba at kakalat ang pagpunta niya rito kahapon.”
“Paano naman kasi, hindi ka kilala rito sa campus noh. Tsaka mag-ingat ka sa mga popular girls rito at baka lapitan ka ng mga ‘yon at magtanong tungkol sa Kuya mo. Alam mo naman ang ‘yon, matatalim ang kuko at malakas ang pang-amoy sa rich at gorgeous men. Your brother is one, pero mas intense ang aura niya.”
“Are you saying na lalapitan nila ako para mapalapit din sila sa kapatid ko.” tumango siya. “Sanay na ako sa mga ganyang babae. Naku, dilemma ko na yan noong high school pa ako. Ang iba nga inaaway ako dahil akala nila, isa ako sa mga babae niya. I also have an older brother so that’s times two.” namilog ang mga mata nito.
“May kapatid ka pang isa?” tumango ako ulit. “What does he look like?” kinuha ko rin ang aking phone at pinakita ko sa rito ang picture ni Kuya Vader. Napahawak ito sa kanyang noo at pinaypayan nito ang sarili. “Damn girl! Ang hot din ng older brother mo!” malakas at kinikilig niyang sabi. Tinakpan ko ang kanyang bibig at sinenyasan ko ito na manahimik. Inalis ko ang aking kamay at nag-peace sign siya sa akin. Niyaya ko na siyang pumasok sa klase namin at naglakad na kami ulit.
Six Years Ago
Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan matapos ang aming klase. Masaya akong naglakad papunta sa gate at hihintayin ko na lang ang aking sundo which is my mother. Susunduin niya ako ngayon dahil pupunta daw kami sa mall para bilhan niya ako ng bagong phone. Nakita kasi ng kanyang asawa na luma na ang ginagamit ko at nangako siya sa akin na bibigyan niya ako ng bago. My mother and my stepmother has been married for a year now at masaya ako dahil napunta kami sa napakabuting pamilya. They treat us like their own family at mabait din sa akin ang dalawa kong nakakatandang kapatid.
Paglabas ko ng gate ng school, nagulat na lang ako nang may apat na babaeng bigla na lang sumalubong sa akin. Nagtataka ko silang isa-isa na tiningnan at masama naman ang tingin nila sa akin. Lumapit ang isa at nagulat ulit ako nang malakas niya akong sinampal. Sinabunutan naman ako ng isa. Na-shock ako sa nangyayari at gulong-gulo ako. Sino ba ang mga babaeng ito? Sa mga itsura nila, mas matanda sila sa akin? Bakit nila ako sinusugod?
“So, ikaw pala ang malandi na umaagaw kay Vader at Wilder. Grabe! Ang bata-bata mo pa, ganyan ka na kalanadi!” galit na sabi ng may hawak sa buhok ko.
“A-ano?! Bakit niyo sila kilala?” tanong ko. “Anong malandi? Wala akong inaagaw sa inyo!” malakas kong sabi at malakas kong tinulak ang sumampal sa akin. Napasigaw ako nang hinila ng isa ang aking buhok.
“We will teach you a lesson not to mess with our men!” pagkasabi nito, sinugod na nila ako. Tinakpan ko naman ang aking ulo nang aking mga kamay at braso. Nang tumigil sila, ang sakit na ng buo kong katawan at puno na yata ako ng kalmot at pasa.
“Ang kapal ng mukha mo!”
“Nakatira ka pa talaga sa bahay nila, ha!”
“Walanghiya ka! Malandi! Vader is mine!”
“Akin lang si Wilder! Hindi mo siya makukuha sa akin!”
Ang mga katagang yon ang mga naririnig ko sa kanila. Nang tumigil sila, nakarinig pa ako ng isang pamilyar na boses. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking Mama na tinulak ang mga babae at tinulungan niya akong bumangon.
“Oh my god! Anak!” alala niyang sabi at hinawakan niya ang aking mukha na makirot na rin. I’m sorry at natagalan ako. Sino ba ang mga babaeng ito na sinusugod ka?!”
“Ahhhh… Ikaw pala ang anak ng malanding yan!” sabi ulit ng isang babae.
“Huwag niyong idamay ang Mama ko!” pasigaw kong sabi. “Wala akong inaagaw sa inyo! Isa pa, kapatid ko sila Kuya Vader at Kuya Wilder!”
“Kapatid? As far as I know, wala silang kapatid!”
“Naku naman! Mga babae kayo siguro ng magkapatid! Walang kinalaman ang anak ko sa ginawa nila sa inyo! If they are not interested anymore, move on! May kapatid sila ngayon because I married their father! Idedemanda ko kayong apat! Mga walang breeding! Nasaan ba ang security rito?!” galit na galit na sabi ng Mama ko habang nag-uusap naman ang apat na babae.
Biglang may sumulpot na mga security at pinahuli sila ng aking ina. Nakita kong marami ng taong nakapaligid sa amin at inalalayan niya ako na pumasok sa kanyang kotse. Nagpunta kami sa police station at pinakulong nga niya ang mga babae. I was amazed dahil dali-daling sumunod ang mga police. Then, biglang dumating ang aking stepfather. Nang makita ako nito, dumilim ang kanyang mukha at may sinabi siya sa mga police. Umalis kami at dinala nila ako sa ospital. Pinauwi naman nila kami agad after nilang gamutin ang aking mga sugat.
Nang gabing ‘yon, habang nagpapahinga ako sa aking kwarto, narinig ko ang galit na boses ng aking stepfather. Sigurado ako na nakauwi na ang aking stepfathers at pinapagalitan sila ng mga ito. Lumabas ako ng aking room at tumungo ako sa hagdan. Malakas ko ng naririnig ang boses nito. Maingat akong bumaba at lumapit ako sa aking Mama na nasa tabi. Galit din ito, pero hindi siya sumali sa panenermon nito sa dalawa.
“Sinabi ko ng magseryoso na kayo sa buhay at tihgilan niyo muna ang gawing laruan ang mga babaeng nakikilala ninyo! Alam niyo ba ang nangyari ngayon ha?!”
“Dad, bawal na ba talagang mag-enjoy kasama ang mga babae? We just want to have fun. There’s no harm in that.” sabi ni Kuya Wilder at mukhang hindi pa nila ako nakikita. Hindi ako nakikialam sa kanilang affairs at alam ko na maraming dumadaan na babae sa kanilang buhay. Pero hindi ko in-expect na may susugod sa akin at akala nila ay isa ako sa babae nila. Hindi ba nila sinabi na may stepsister sila? Oh, baka naman hindi nila ako tanggap. Napalingon sa amin si Kuya Vader at natigilan siya ang makita niya ako.
“Harm?! Napahamak na nga ang kapatid niyo dahil sa mga babaeng niyong yan!” pasigaw na sabi ni Papa. “Four women attack her at school at sinugod siya! Mabuti na lang at dumating agad si Elvie para pigilan sila!”
“Poleena…” tawag ni Kuya Vader at agad niya akong nilapitan. Nagtago naman ako sa likod ng Mama ko. “Are you okay? Who did this to you?” di makapaniwala niyang sabi at puno ng awa ang kanyang mga mata.
“Tinatanong mo pa talaga yan, Vader? I know na pumasok kami ng anak ko sa buhay niyo ng biglaan, pero sana naman huwag niyong idamay si Poleena sa mga kalokohan ninyo. Hindi ko kayo pinapakialaman pero nasaktan ang anak ko. Kaya please, sabihin niyo sa mga babaeng umaaligid sa inyo na huwag nilang saktan si Poleena. Akala ko ba okay lang sa inyo na maging kapatid siya?” sabi ng aking ina. Nagulat ako nang makarinig na lang kami ng pagkabasag ng vase. Tumingin ako kay Kuya Wilder na binato pala nito.
“I will make them pay! How dare they?!” nanggagalaiti na sabi ni Wilder. Bigla itong umalis at sinundan niya ni Vader. Tinawag sila ng kanilang ama pero tuluyan silang umalis. Napabuntong hininga naman si Mama at inalalayan niya akong bumalik sa aking kwarto.
Para akong nagising nang tumayo na ang mga students na nasa aking harapan. I can't believe na nawala ang aking concentration at naalala ko ang mga nangyari noon. That was my first year with the Thalon family, a little bit of chaos with my troublesome step brothers. Sana naman hindi ulit mangyari ang scenario na ‘yon this time while I am in college. Bumuntong hininga ako at umalis na ng room at pumunta sa aking next class.