“Did you bring everything you need?” tanong sa akin ni papa nang nilagay na niya ang aking bags sa likod ng kanyang sasakyan. Ihahatid na niya ako sa bahay na malapit sa university. Wala pa naman akong class bukas pero mas mabuting makapagpahinga ako bago ako pumasok ulit sa school. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Napansin ko na may bag din siya room kaya ibig sabihin magi-stay muna siya sa bahay ng ilang araw. Umalis na ang mga stepbrothers ko matapos silang kumain ng lunch at nagulat pa ako nang niyakap nila akong dalawa at sinabihan ako na dadalaw ulit sila sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang paghaharap namin kanina ni Kuya Wilder. Kahit pa sabihin niya na nabigla siya sa paghalik ng babaeng ‘yon, I still felt cheated though. I can’t believe that he is still c