Katatapos ko lang magbihis after kong mag-shower nang may kumatok sa aking pinto. It was another day at kahapon lang ay naidaos ang funeral ng aking Mama. I was hoping na paggising ko ay hindi totoo ang lahat, but I need to accept the reality na hindi na babalik ang aking ina. I just hope na magkita sila ni Papa at maging masaya silang magkasama. The house was quiet all day kahapon. Dahil na rin siguro sa kapaguran, nanatili lang kami sa aming kwarto ng aking ama. Now, I decided na yayain siyang lumabas or magsalo kami ng breakfast para pagaanin ang loob niya. Pero mukhang naunahan na niya ako dahil narinig ko ang boses niya sa labas ng aking pinto. Mabilis akong lumapit doon at binuksan ito. “Good morning, Papa!” bati ko sa kanya na may ngiti. “Pupuntahan na sana kita para sabay tayong