Chapter 5

2032 Words
Nakalipat na nga ako sa 2-storey na bahay na binili ni papa na malapit sa university para tirhan ako. May tatlo itong kwarto na may kanya-kanyang bathroom. Pinili kong kwarto ang pinakamalaki since ako lang naman ang titira rito. Kung dadalaw ang aking ama at mga kapatid pwee silang mag-stay sa ibang kwarto na available roon. Hindi naman ako nahirapan sa paglipat dahil iilan lang naman ang mga gamit ko. Laking gulat ko nga dahil fully furnished na ang bahay at modern style ang interior nito. The living room has an L-couch with several one seaters, isang loveseat, at ottoman. The lights were round like a full moon, pwede siyang i-sim at pwede rin na normal na liwanang lang. Napapaligiran ang bahay ng floor to ceiling glass at may garden pa sa likod nito with na may malaking puno. May place na pwedeng paglutuan ng barbecue at may hammock na rin sa tabi. There was no pool, pero may hot tub sa likod na madalas kong gamit sa gabi. Complete na ang laman ng kitchen at maging ang ref nang dumating ako ay puno na ng groceries. Pati ang maliit na pantry ay meron na ring laman. It has granite countertops at sa isang side nito ay ang dining area. Everything was perfect at nagustuhan ko talaga. Mas convenient siya kaysa naman na mag-stay ako sa isang dorm and who knows kung sino pa ang maging roommate ko. Isa pa, sigurado ako na maingay doon dahil co-ed siya. Ibig sabihin may lalake roon. Tinawagan ko ulit si papa the day na nakalipat ako at nagpasalamat ako sa kanya ng husto. I decided na tulungan silang magkabati ng Mama ko pero kahit anong tawag ko sa kanya, ayaw nitong sagutin. I was worried pero nakikita ko naman sa kanyang social media na nagpo-post siya ng madalas kaya nawala ang pag-aalala ko. Nakalipat na rin ang aking uncle at ang kanyang asawa sa ibang lugar. Pinuntahan ko pa nga sila kahapon para makapagpaalam. Sana nga ay maging okay na ang kanilang relasyon na mag-asawa. Kung anuman ang nangyari sa amin ng uncle ko, kailangan na namin itong kalimutan. Maybe I really need to be in a relationship again, but it’s just too troublesome. Naglalakad na ako pauwi nang bahay nang makita akong sasakyan na naka-park sa harapan nito. Isang sasakyan na pamilyar sa akin. Kaya naman mabilis akong naglakad hanggang sa makarating na ko. Bukas ang pinto kaya pumasok ako at natuwa nang makita ang isa sa kapatid ko na matagal ko na ring hindi nakikita. “Kuya!” tawag ko sa kanya na nakatuon ang pansin sa kanyang niluluto. Lumingon siya sa akin at ngumiti nang makita niya ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako habang tumatawa siya. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na darating ka! Anong ginagawa mo rito?” “Bakit? Ayaw mo ba akong makita?” tumatawa niyang sabi at kumalas ako sa kanya. Napaaray siya nang paluin ko ang kanyang braso. “Nananakit ka na agad, ah!” “Ang tagal mo naman kasing hindi nagpakita sa akin. Puro babae mo na lang kasi ang inaatupag mo. sige ka, baka bigla na lang may sumulpot na girl at hindi mo alam na may anak ka na pala.” pabiro kong sabi. Napalabi ako nang pinitik niya ang aking noo at napahawak ako doon. “Huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Tsaka anong babae? Wala akong time sa mga gnayan. Naging busy lang ako sa trabaho and I even went out of the country.” “Gano’n? May pasalubong ba ko?” parang bata kong sabi at tumawa siya ulit. “Of course naman! Makakalimutan ba kita? Pasensya na talaga at hindi na tayo nagkikita gaya ng dati, Polly. Alam ko rin naman na abala ka sa studies mo kaya ayoko naman na istorbohin kita.” “Pwede mo naman akong dalawin paminsan-minsan. But since, busy ka sa trabaho mo, okay lang. Pero tawagan mo rin ako para naman hindi ako mag-alala sa’yo. Mabuti na lang at pamilyar sa akin ang sasakyan mo. Akala ko may pumasok ng magnanakaw sa bahay, eh.” “Sorry about that… Gusto ko lang naman na sorpresahin ka. You’re just in time, malapit ng maluto ang dinner natin. Kaya magbihis ka na muna.” “Okay! Are you going to stay here for the night? Or for the weekend?” ngumiti siya and he pat my head. His eyes soften at hinawakan niya ang aking balikat at pinisil ito. “I can stay here for the weekend kung gusto mo.” masaya niyang sabi. “Pero baka makaistorbo ako sa inyo ng boyfriend mo.” tumawa ako at umiling. “Kuya, wala akong boyfriend. Tsaka kung meron man, hindi ko sioya dadalhin rito. Nakakahiya kaya! Isa pa, bilin sa akin ni Papa na huwag akong magpapasok ng kahit na sino sa bahay lalo na pag lalake.” “Well, wala dapat talaga. Baka maunahan mo pa ko na magkaanak.” pinalo ko ulit siya at ginulo niya ang aking buhok. “Kuya naman, eh!” tumawa ulit siya. “Magbibihis lang ako, at happy ako na nandito ka.” pagkasabi nito, pumanhik na ako sa taas at pumasok sa aking kwarto. Naligo na lang ako at nagbihis na ng pambahay nang matapos ako. Habang pababa na ako sa hagdan, naamoy ko na ang masarap na pagkain. Malakas na tumunog ang aking tiyan at lumakad ako papunta sa dining area. Ako na ang nag-ayos ng mesa habang tinatapos na niya ang kanyang pagluluto. Maya-maya nilabas na niya ang lasagna at spicy fried chicken na favorite ko. Naglaway ang aking bibig at namilog ang aking mga mata nang makita ito. Bukod pa doon may red wine rin. Legal na rin naman akong uminom kaya okay lang. “Na-miss ko toh!” tuwa kong sabi. Ngumiti lang siya at naglagay ng lasagnan niya sa aking plate. Nagsalin din siya ng winne sa aming baso. “Kumain ka ng marami, niluto ko talaga yan para sa’yo.” nagpasalamat ako sa kanya at kumain na ako. “Kumusta na sila Uncle? Nakalipat na ba sila?” tumango-tango ako. “Kumusta naman ang pagtira mo sa kanila? His wife is kinda mean sometimes kaya ayoko na nakikita sila.” “Well, tama ka sa sinabi mo. Pati nga kay Uncle ang mean niya at hinahayaan lang naman niya ito. Sana sa paglipat nila, maging okay na ang kanilang pagsasama. Okay naman ang pagtira ko roon, Kuya, basta sumusunod ako sa mga inuutos sa akin ni auntie. Pero sa totoo lang, mas okay na may sarili akong tirahan rito. Mabuti na lang at bumili ng bahay si Papa.” “Hindi lang naman siya ang nakaisip nito. Ako kaya ang pumili ng bahay at ako rin ang nagpalagay ng mga furnitures at groceries rito.” nagtatampo niyang sabi. “Luh! Hindi ko naman alam, Kuya! Tsaka si papa mismo ang nagsabi sa akin kaya akala ko siya lang ang nag-asikaso nito. Thank you!” matamis siyang ngumiti. “How are you liking the house so far? Sigurado ako na nage-enjoy ka sa hot tub.” sabay taas baba ng kanyang mga kilay at tumawa ako. “Yes na yes naman! Sobrang tulong sa tuwing napapagod ako sa school. Since senior na ko, ang dami ko ng ginagawa. Stress hindi lang ang utak pati katawan na rin. Thank you for the hot tub, Kuya! Ang laking tulong talaga!” “I’m glad you like it. Huwag kang magpapabaya sa studies mo, okay?” tumango ako ulit. Tinuloy ko ang aking pagkain. Mahina pa akong napaungol nang uminom ako ng wine. Magana rin siyang kumakain at marami siyang tinanong sa akin tungkol sa studies ko. Syempre hindi maiwasan na magtanong kung may boyfriend na ba ako o may nanliligaw sa akin, which is obviously wala. Madami kaming napag-usapan hanggang sa naisip ko ang mga magulang namin. “Nakausap mo na ba sila Papa at Mama? Seryoso ba talaga ang pag-aaway nila, Kuya?” tanong ko at natigilan siya. Uminom siya ng wine at seryoso siyang tumingin sa akin. Napalunok ako at hinihiling na sana hindi malala ang sitwasyon nilang dalawa. “Wala rin akong alam, Polly. Ayaw din na magsalita ni Papa kung ano ang dahilan. Pero ginagawan na niya ng paraan para magkaayos sila. Si Tita kasi bigla na lang umalis ng bahay. Ilang beses na itong pinuntahan ni Papa pero hindi siya nito hinaharap. I think he’s giving her space para magkausap na rin sila ng hindi nag-aaway pa.” “Alam ko naman kung paano magtampo si Mama. Tinatawagan ko nga siya para kausapin pero hindi naman niya sinasagot. Nag-aalala na nga ako sa kanya pero nakikita ko naman mga posts niya sa social media na madalas ay nakakapag-post siya. Sana naman magbati na sila.” huminga ako ng malalim. “I’m grateful sa family ninyo dahil nakakaranas kami ng ganitong buhay ng Mama ko. Ayoko na maghiwalay sila dahil marami kayong pera, pero tinuring ko na taalaga kayong pamilya. I love you guys, si Papa, ikaw Kuya at si Kuya Wilder kahit palagi niya akong iniinis.” bahagya siyang tumawa at napatingin ako sa aking kamay nang hinawakan niya ito. “Masaya ako na marinig yan mula sa’yo. Mahala ka rin naman namin at gusto ko rin na magbati ang mga magulang natin. Huwag mo munang alalahanin yan dahil ginagawan naman na ni Papa ng paraan. Just focus on your studies, it’s your last year na. Konting tiis na lang.” “Okay, kuya.” nakangiti kong sabi. Siguro nga mas mabuting mag-focus na lang ako ng aking studies, pero pipilitin ko pa rin na kausapin si Mama. Nakakahiya kaya! Nang magkakilala sila sobrang hirap kami sa buhay. Hindi pa ma-maintain noon ni Mama ang pinapasukan niyang trabaho. I was doing part-time jobs para lang makakain kami. Mabuti na lang at may scholaship pa ako kaya nasusuportahan ang aking pag-aaral. Ang swerte nga namin at naging parte kami ng pamilyang Thalon. Si Mama pa ang nagmamatigas ngayon kung lahat ng gusto niya ay binibigay ng stepfather ko. Naunang pumanhik sa taas ang kapatid ko dahil napagod ito sa biyahe pagpunta rito. Hinayaan niya na ako na magligpit ng pinagkainan namin at hinugsan ko ang mga ito. Yayayain ko sana siya na mag-hot tub pero napansin ko na pagod na talaga siya. I will just try tomorrow since wala naman akong klase. We can hangout together at dahil nandito siya, i will not be lonely. Nararamdaman ko rin kasi ang lungkot pag ako lang ang nasa bahay. I’m just so glad na bumisita siya sa akin. My stepbrother, Vader Thalon, is five years older than me. Dalawa silang magkapatid at siya ang nakakatanda. Nagtatrabaho siya as COO ng kumpanya na pag-aari ng kanilang ama at sobrang dedicated ito sa kanyang trabaho. Walang oras yata na hindi ko siyang nakita na magtrabaho. Kahit noong nag-aaral siya sobrang focus lang siya doon kaya naman hinangaan ko siya mula noon pa. He’s also kind and sweet and supports me sa lahat ng gusto kong gawin. Kaya naman after ng aking pag-aaral, magwo-work ako sa kanila and repay them sa lahat ng ginawa nila para sa amin ng Mama ko. Bago ako pumasok sa aking kwarto, kumatok muna ako sa kanyang pinto. Narinig ko ang kanyang boses at bumukas ang pinto. Napakurap ako dahil nakasuot lang siya ng jogging pants at wala siyang suot na pantaas. Gusto ko man na maanay pero habang tumatagal kasi lalong pume-perfect ang maganda niyang katawan. Napatitig ako sandali sa kanyang abs tapos ay tumingin ako sa kanya. “I just wanted to say goodnight, Kuya.” sabi ko sa kanya. Hinila niya ako palapit at bahagya akong nagulat nang niyakap niya ako. “Goodnight too, Polly…” hinalikan niya ang aking ulo at kumalas na siya sa akin. “Sige na, Kuya, mag-rest ka na… Goodnight again.” pagkasabi nito, pumasok na ako sa aking kwarto. Kumaway ako sa kanya at sinara ko na ang pinto. Isa lang ang naisip ko ng gabing ‘yon, kung gaano kasarap ang yakap ni Vader. My gosh! Bakit ako kinikilig!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD