Kinabukasan, dala ang ilang bags, pumunta ako sa terminal ng bus para makauwi na ako. Hindi ko na inalala pa ang natitira kong classes dahil nagawa ko na rin naman lahat. Tapos na rin ang finals namin at ilang araw na lang at break na rin namin. Tatawagan ko na lang ang Dean and I hope he will understand. Kung hindi man, pakikiusapan ko ang mga kapatid ko na gawan na lang ito ng paraan. All I wanted is to go home para makita ang aking ina. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na tuluyan na siyang wala. Siguro nga punishment ko ito sa mga kalokohan kong ginawa! Nang makasakay na ako at nasa daan na kami, wala akong ibang inisip kundi ang Mama ko at pati na rin si Papa. Talagang pinipigilan niya ang kanyang sarili kagabi na humagulgol at napansin ko rin na medyo paos na ang kanyan