Asper Reign Dahlia’s Pov
Ibinaba lang ako ni Miracle sa harap ng grocery store at agad na din siyang pumunta sa bayan para magbukas ng SweetHeart Cafe.
At dahil hindi ako iyong tipo na mag-aaksaya pa ng oras ay agad na akong pumasok sa loob ng store, kumuha ng cart at sinimulang mag-ikot sa buong lugar habang inilalagay dito ang mga kailangan kong bilhin.
Alam ko naman ang mga dapat kong bilin kait pa wala akong dalang listaan. At halos isang taon na din naman akong namimili dito kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga bibilhin ko.
Hindi nagtagal ang pamimili ko. Matapos kong makuha ang lahat ng kailangan ay agad ko na itong dinala sa cashier at sinabihan na lang sila na i-deliver sa bahay ko ang mga pinamili ko.
Madalas naman na iyon ang gawain ko nang sa gayon ay makapamasyal pa ako ng sandaling oras nang walang iniintinding bitbitin.
Nang matapos ang transaksyon ko sa grocery ay agad na akong lumipat sa restaurant na nasa tapat nito.
Saglit lang naman akong kumain dahil kape at ilang slice lang ng tinapay ang kinain ko.
Sa bahay na ako kakain ng madami dahil magsisimula ang lahat ng trabaho ko after lunch.
Matapos ko sa restaurant ay dumeretso ako sa isang underwear shop.
Pakiramdam ko kasi ay sumisikip na ang mga brassiere ko dahil sa pagtaba ko kaya naman kailangan ko na muling bumili ng mga bago.
At dahil maaga pa ay iilan pa lang ang customer dito sa loob ng shop kaya malaya akong nakakapagtingin sa bawat display nila dito.
Hanggang sa matigilan ako nang makita ang isang lalaking nakasuot pa ng suit na ngayon ay nakatingin sa mga underwear na naka-display sa kabilang estante.
Nakatagilid siya sa akin kaya kita ko kung gaano siya ke gwapo.
A very charming and neat man.
Pinakatitigan ko pa siya at sa totoo lang ay mapapasabi na lang ng sayang ang lahat ng makakakita sa kanya lalo na ngayong hawak niya ang dalawang klase ng brasserie at pinagkukumpara ito.
"Sayang noh," sabi ko sa sales lady na nasa tabi ko tsaka itinuro iyong lalaki. "Ang gwapo niya pero mukhang kasali sa pederasyon."
"Ang judgemental nyo naman po, Ma'am," biro sa akin ni Ate. "Hindi po ba pwedeng binibilhan lang niya ang kapatid or girlfriend niya? Marami-rami din naman po kaming nagiging customer na lalaki na inuutusan lang ng mga babae sa kanilang buhay."
Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? May nagkaroon na ba kayo ng lalaking customer na ganyan ka metikuloso na siya pa mismo ang namimili ng bibilhin niya?"
Napaisip siya pagkuwa'y napangiwi at umiling-iling. "Halos lahat sila ay kaming mga sales lady ang pinapipili nila dahil wala din silang ideya sa kung ano ba ang dapat nilang bilhin."
"See?" Ibinalik ko ang tingin sa lalaki. "Kung hindi man siya totally gay, maybe just a bisexual kasi lalaking-lalaki pa din naman ang tindig niya."
Well, wala naman akong issue sa mga third gender.
Ang totoo nga niyan ay gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan na tulad nila dahil mas kumportable silang kasama sa lahat ng bagay.
"Sayang nga siya, Ma'am."
"Anyway, paki-check out na po ang lahat ng iyan," tukoy ko sa mga brasserie at panty naninilagay ko basket ko. "Here's my card." Inabot ko na din sa kanya ang card ko.
Agad naman siyang sumunod at dahil alam kong matatagalan pa siya ay nilapitan ko na iyong lalaki na hanggang ngayon ay namomroblema kung ano ba ang kanyang bibilhin.
"Hi, sis," bati ko sa kanya.
Bumaling siya sa akin at kumunot ang noo.
"Sorry ah," sabi ko sa kanya. "Kanina pa kasi kita pinagmamasdan at mukhang nahihirapan kang bumili ng underwear mo."
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
Kaya naman natitigan ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
At sa totoo lang, natulala ako sa kanya. Lalo na sa mga mata niyang kasing kulay ng karagatan at para ako nitong nilulunod.
Ngunit agad din akong natauhan nang bigla siyang tumikhin kaya nag-iwas na ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa mga underware na kayang pinagpipilian.
"Hindi ko alam kung anong klase ba ang gusto mo pero tingin ko ay babagay sayo ang mga ganitong kulay." Pinagtuturo ko sa kanya ang ilan sa mga kinuha niya kanina. "Maganda at kumportable din ang mga tela niyan kaya masusuot mo sa kahit na anong okasyon. Pwede mo ding ipangtulog kasi presko sa pakiramdam." Ibinalik ko ang tingin sa kanya at ngumiti. "Hindi ko alam ang size ko kaya ikaw na lang ang magsabi sa sales lady."
At agad na din akong tumalikod sa kanya dahil tinawag na ako ng cashier.
"Sayang talaga," sabi ko.
Kinuha ko na ang mga pinamili ko at tuluyan nang lumabas ng shop.
**********
"Did that woman called you sis?" hindi makapaniwala na sabi ni Rajiv. Kakalapit lang niya sa akin pero mukhang narinig niya ang pinagsasasabi ng babaeng iyon. "And she even thought that you are the one who will wear that?"
"Shut up, Raj." Kinuha ko na ang mga itinuro ng babaeng iyon at dinala sa counter.
"Bakit nga ba kasi ikaw pa ang pinabili ni Cassia ng mga iyan?" tanong niya. "Pinagkakamalan ka tuloy na bakla."
"Just let them." Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. That was their opinion. Alam man nila ang totoo o hindi ay hindi na mahalaga dahil wala naman silang papel sa buhay ko.
Matapos mabalot ng cashier ang mga pinamili ko ay agad na iyong binayaran ni Rajiv pagkuwa'y lumabas na kami ng shop.
"Pero parang pamilyar sa akin ang babaeng iyon," muling pagbubukas ni Rajiv ng topic tungkol sa babaeng kumausap sa akin kanina. "I think, I already saw her before."
"Probably one of your women."
"Hey!" alma niya. "I’m not that kind of man. At least, I always remember the name and face of the woman who I date."
“Whatever.”
“But seriously,” aniya. “She is really familiar.”
“If she’s really someone that you have already seen before, then, start investigating her identity,” sabi ko. “We move here to laylo. Ayaw ko na magkaroon ng problema ang magiging buhay natin dito.”
Bumuntong hininga siya. “Sige, ako na ang bahala doon.”
Ibinaling ko na ang tingin ko sa labas ng sasakyan ngunit wala naman sa mga nakikita ko isip ko.
Kundi sa alaala ng mga matang tumama sa paningin ko kanina.
I don’t know I am feeling too familiar with those eyes but I need to know who that woman is.