CHAPTER 14—OUTING

1419 Words
REBECCA'S POV PINAYAGAN ako ni Auntie Suzette na sumama sa outing namin sa Infanta, Quezon. Ipinaalam kasi ako ni Uncle Sam. Nagulat nga ako na ang bilis niyang pumayag. Kahit ilang araw pa raw kaming mawala. Matahimik naman daw sandali ang buhay niya. "Maglakad-lakad na muna tayo habang tulog pa ang mga kasama natin," mungkahi ni Uncle Sam nang magising kami kinabukasan. Tatlong araw kami rito at pangalawang araw na namin ngayon. Tatlong cottage ang kinuha namin. Ang isa, sa mga tauhan na lalaki. Sa aming mga babae naman ang pangalawa. At itong pangatlo, solo ni Uncle Sam. Pero pinapapuslit niya ako rito kapag gabi o kaya kapag wala ang mga kasama namin. Sa tingin ko nga, sinadya niya na humiwalay ng cottage kahit puwede naman siyang sumama sa mga lalaki dahil may space pa naman, para magkaroon kami ng lugar na masolo ang isa't isa. "Magandang ideya ho 'yan, Uncle. Maaga pa. Baka ho maabutan pa natin ang sunrise. Nakaka-miss din ang sunrise sa probinsiya namin," natutuwang sagot ko. "Nami-miss mo rin ba ang buhay mo roon? Kahit gano'n lang ang turing sa'yo ng pamilya mo?" tanong niya. Malungkot na tumango ako. "Opo naman, Uncle. Hometown ko 'yon, eh. At saka nando'n ho ang mga alaala nina Nanay at Tatay." "Hindi bale. Magbabakasyon tayo do'n kapag may oras tayo. Ipasyal mo ako sa magagandang lugar doon." Nginitian ako ni Uncle na para bang gusto niyang alisin ang lungkot at pangungulila ko. "Sige ba!" Mabilis akong na-excite pero nawala rin agad. "Iyon po ay kung payagan tayo ni Auntie Suzette." "Papayag 'yon. Lalo na kapag alam niyang tatagal tayo. Tulad ngayon. Mas matutuwa pa nga 'yon kapag nasolo niya ang bahay." Nagtataka na napatingin ako kay Uncle. "Bakit naman ho?" "Basta. At saka, huwag na natin siyang pag-usapan. Nandito tayo para mag-enjoy, 'di ba?" Ang dami ko pa sanang gustong itanong sa tiyuhin ko tungkol sa pagsasama nila ni Auntie Suzette na parang palabo nang palabo. Pero tama siya. Nandito kami para sumaya. At hindi para makonsensiya. "Rebecca, iniisip mo pa rin ba ang Auntie mo? Gusto mo bang malaman ang totoo sa amin?" untag sa akin ni Uncle Sam. Mukhang nag-alala siya nang tumahimik ako. "Huwag na po, Uncle. Ang sabi n'yo nga po, nandito tayo para mag-enjoy at hindi para pag-usapan ang mga bagay na makakasakit at makakapagpapalungkot lang sa atin." Napangiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Agad kong naramdaman ang init ng palad niya. Hindi naman ako kumontra. Medyo malayo itong cottage niya kaya imposibleng makita kami ng mga tauhan niya. Habang naglalakad sa dalampasigan ay magkahawak-kamay pa rin kami ni Uncle Sam. Panaka-naka akong sumusulyap sa kaniya sa tuwing nararamdaman ko na nilalaro-laro niya ang mga daliri ko. Pero diretso lang ang tingin niya sa nilalakaran namin habang nagkukuwentuhan. At ang sarap sa pakiramdam. First time kong maranasan ang ganito kasaya na feeling. Ni hindi ko na nga maramdaman na mali itong ginagawa namin. Basta masaya ako sa piling ni Uncle. Parang feeling ko, ngayon lang ako nagdalaga na ngayon lang nakaramdam ng kilig sa isang lalaki. Ang sabi nga ng iba, walang mali sa pag-ibig. Napangiti ako dahil sa kaguwapuhan ni Uncle Sam na hindi ko yata pagsisisihan. "Gusto mo bang akyatin natin ang maliit na bundok na iyon, Rebecca?" Gamit ang isang kamay, itinuro ni Uncle Sam ang bundok sa di-kalayuan. "Mas magandang panoorin ang sunrise kapag nando'n tayo dahil mataas ang lugar." "Gusto ko po 'yan, Uncle." "Ako rin. Ang tagal ko na ring hindi nakakita nang matinong sunrise, eh." Nagulat ako nang bigla na lamang akong inakbayan ng tiyuhin ko. Isiniksik niya ako sa kaniyang tagiliran. Hindi ko napigilan na kiligin uli nang maamoy ko ang bango niya at naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Matangkad na ako pero dahil napakatangkad ni Uncle kaya nanliliit pa rin ako kapag siya ang katabi ko. Paano kaya kapag sa kama? Magpapantay kaya kami? anang pilyang isipan ko. REBECCA'S POV "DITO ka lang. Maghahanap lang ako sandali ng puwede nating ilatag dito habang nakaupo," paalam ni Uncle nang makarating kami sa itaas ng bundok. "Tulungan ko na ho kayo." "Huwag na. Hintayin mo na lang ako dito at baka kung mapaano ka pa. Medyo mabato itong lugar at madilim-dilim pa sa paligid." Nakaalis na si Uncle Sam pero nakangiti pa rin ako. Iba talaga ang feeling kapag may taong nagmamalasakit sa'yo. At iyong taong iyon ay ang taong gusto mo. Nakatanaw ako sa malawak na karagatan habang hinihintay ko ang pagbabalik ni Uncle Sam. Hindi ko na naman napigilan na isipin ang sitwasyon namin. Hindi ko lubos maisip kung paano siya nagagawang tratuhin nang gano'n ng asawa niya. Napakabuti at napaka-sweet niyang tao. Thoughtful at maalaga pa. Bonus na lang talaga ang kakisigang taglay niya. Parang ako ang nanghihinayang na hinahayaan ni Auntie Suzette na mawala sa buhay niya ang isang tulad ng asawa niya. Kung hindi lang talaga sila kasal at malayang magmahal ng iba si Uncle Sam, ipaglalaban ko siya. Para hindi kami ganito. Patago-tago. Ngunit hindi iyon gano'n kadali. Kung gaanong hindi rin gano'n kadali sabihin kay Uncle na hindi ko na lang siya basta gusto o pinagnanasaan lang. Kundi higit pa roon. "Nainip ka ba?" Nilingon ko si Uncle. Nakita ko siya na may bitbit nang mga tuyong dahon ng saging. Tinulungan ko siyang ilatag ang mga iyon. Agad akong umupo nang maayos namin ang puwesto. Umupo naman sa tabi ko ang tiyuhin ko. Inakbayan niya ako at inihilig sa kaliwang dibdib niya ang ulo ko habang nakatanaw sa karagatan. Naririnig ko ang t***k ng puso ni Uncle. Normal lamang iyon na para bang hindi man lang kinakabahan na baka may makakita sa amin at makarating sa asawa niya. Samantalang ako, ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko sa mga oras na ito. Gayon man, batid kong hindi ito dahil sa takot kundi sa kakaibang damdamin na nararamdaman ko para sa kaniya. "Malapit nang sumikat ang araw, Rebecca," excited niyang sabi. "Alam mo ba na ikaw pa lang ang nakasama ko nang ganito? Hindi naman kasi mahilig sa nature ang tiyahin mong 'yon." Tiningala ko siya. "Pareho po pala tayo. Simula nang mawala ang mga magulang ko, mag-isa ko na lang din pinapanood ang pagsikat ng araw. Kayo pa lang po ang naging kasama ko." "At masaya ka naman ba?" tanong niya. "Walang kasing saya po, Uncle." Hinawakan niya ako sa pisngi at inangat ang aking mukha. Nagtagpo ang aming mga paningin. Hindi ko nagawang kumurap dahil nakatingin lamang ako sa guwapong mukha ni Uncle Sam. "Alam ko na hindi normal itong sitwasyon natin, Rebecca. Pero bigyan mo lang ako ng sapat na panahon. Aayusin ko ito at gagawin nating tama." "O-okay lang naman ho sa'kin na ganito lang tayo, Uncle. Kaya ko namang magtiis na patago-tago lang tayo." Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya, sabay haplos sa buhok ko. "Ako rin naman, Rebecca. Ang totoo niyan, mas exciting ang ganito. Lalo na sa'kin bilang isang lalaki. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi lang init ng katawan ang nararamdaman ko para sa'yo. Kundi higit pa roon." Parang tumalon ang puso ko. Pareho pala kami ng nararamdaman ni Uncle. "Matagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong pakiramdam, Rebecca. Kahit pa sa tiyahin mo," bulong ni Uncle sa bumbunan ko nang yakapin niya ako. "Sa'yo na nang uli." Ramdam ko ang sinseridad sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya. Ibig bang sabihin, wala na rin siyang pagmamahal sa asawa niya? Tiningala ko siya uli at tinitigan sa mga mata. "Huwag ho kayong mag-aalala, Uncle. Hangga't kaya ko, pasisiyahin kita. Hindi kita sasaktan katulad ng ginagawa sa'yo ni Auntie." Malawak na ngumiti si Uncle matapos kong sabihin iyon. "Ang sarap namang pakinggan na may nagsasabi na uli nang ganiyan sa akin, hija. Pero ako ang dapat na magsabi niyan sa'yo dahil ako ang lalaki." Tinamaan ng kapilyahan ang isip ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. "Huwag n'yo na hong sabihin. Baka ibang 'kasiyahan' lang ang ibibigay n'yo sa akin." Lalo lang lumawak ang pagkakangiti ni Uncle. Nakita ko ang matinding excitement na sumungaw sa mga mata niya. "Binigyan mo ako ng ideya, Rebecca." Nakangisi na hinawakan niya ako sa balikat. "Bakit hindi natin i-explore ang kagandahan nitong bundok at karagatan?" "Ano ho ang ibig—" Hindi na ako pinatapos ni Uncle Mabilis na niyang sinunggaban ang mga labi ko at dinakma ang isang s*so ko. Kaagad naman akong napaungol sa loob ng bibig niya. Ito pala ang klase ng 'explore' na sinasabi ng uncle ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD