"sandali!----wag mo naman akong iwan dito oh...."paki usap ni Athena!nanakit na ang sugat nito sa tagiliran!
Walang ano anong nawala sa paningin nito ang lalaki!
"oh asan na yun?------ang bilis namang tumakbo nun...para lang dugo eh..tssk!-----"iiling iling namang si Athena!
Kahit hirap si Athena dahil nananakit ang sugat nito sa tagiliran ay pilit pa rin itong naglakad patungo sa kanyang sasakyan!
"iniwan talaga ako nun?-----ouch!----"si Athena!nanakit talaga ang sugat nito!
"akala mo kung sinong matapang kanina....tapos sa dugo lang?!----sa dugo lang????----------kumaripas na ng takbo?haist!----"si Athena!wala pa rin tigil sa pagdugo ang sugat nito!
Sa paglalakad nito ay napansin naman nito ang isang bagay sa kanyang daraanan!agad nitong pinulot ang bagay na iyon!isa itong wallet!
Agad binuksan ni Athena ang wallet!
"oh si mr.sungit pala ang mi ari nito--------malamang nahulog nito kaninang kumaripas ng takbo....hahaha!-----"tatawa tawa namang si Athena!
Nakita kasi agad nito ang drivers license ng binata!
"Austin Altamirano----------"basa ni Athena sa nakasulat na pangalan sa drivers license!
"hmmm.... .so Austin pala ang pangalan ng masungit na senior na yun---------29 na pala siya pero hindi halata ah-------hihihi-----"nangingiting si Athena!tila kinikilig kilig pa ito!
Tinignan pa nito ang iba pang laman ng wallet ng binata!
Nakita naman nito ang iba pang I.D's!business card!atm at mga credit card!mi laman din itong tig iisang libo na pera!
Mi isa pang laman ang wallet na nagpataas ng kilay ni Athena!isang litrato!litrato ng isang babae!
Napaisip naman ito kung saan na niya nakita ang litrato!
"oo tama--------ito yun sa painting eh....sabi ko na eh!hindi yun panaginip at hindi ako naghahallucinate!--------"kunot noong si Athena!
Nagpatuloy sa paglalakad si Athena hanggang sa sasakyan nito!
Hapong hapo si Athena na napasandal sa sasakyan nito!
Mayamaya pay dumating ang isang sasakyan at tumigil ito sa tapat ng dalaga!
Agad namang bumaba ang isang lalaki!ito rin yung driver na naghatid sa kanya kanina sa labas ng main road!
"miss sumakay na po kayo--------ipinasusundo po kayo ni Senior....."ang driver!
"t-talaga?-----"nabuhayan ng loob na si Athena!
"opo....para daw po magamot yang sugat niyo-------"ang driver!
"asan siya?-------nasa loob ba ng sasakyan?----"tanong ni Athena!
"nasa mancion na po siya--------"ang driver!
"ha?!-------agad agad?-------grabe naman yun---ang bilis ha..sobrang takot siguro nun...."bulong ni Athena sa sarili!
"mi sinasabi po kayo?-------"ang driver!
"ah wala naman...."si Athena!
"halina po kayo..."ang driver at pinagbuksan siya ng pinto sa likurang bahagi ng sasakyan!
Madali namang sumakay si Athena sa sasakyan!
~~~~
Agad sinalubong si Athena ni Aling Leticia pagkadating ng mga ito sa mancion!
"naku bata ka!-----napano ka ha?----"bungad ng matanda!
"mi umatake pong malaking aso kanina sa akin Aling Leticia!-------"si Athena!
"yan na nga ba ang sinasabi ko eh!-----sinabi ko nang umalis ka na sa lugar na ito.....mapapahamak ka lang!-----"mi himig pag aalala namang saad ng matanda kay Athena!
Iginaya naman ng matanda ang dalaga sa loob para magamot ang mga galus at sugat nito!
"eh Aling Leticia asan po si---------A-Austin?-----"si Athena!
Napatigil ang matanda sa paglilinis ng sugat ng dalaga!
"alam mo ang pangalan ni Senior?--------"gulat na tanong ng matanda!
"ah eh napulot ko po kasi yun wallet niya kanina sa gubat ......isasauli ko lang po sana to...tas para makapagpasalamat narin-------"nakangiting si Athena!
"makapagpasalamat?-----"tanong ng matanda!
"eh siya po kasi yun tumulong kanina sakin--------kung wala po siya malamang pinagpipiyestahan na ako ng malaking aso na yun!-----"paliwanag naman ni Athena sa matanda!
"ginawa ni Senior yun?-------"hindi makapaniwalang tanong ng matanda kay Athena!
"opo----bakit parang gulat na gulat naman po kayo aling Leticia?------"si Athena!
"h-hindi naman sa g-ganun iha.....may naalala lang ako...."sabi na lang ng matanda rito!
Hindi makapaniwala ang matanda!
"ahmmm------mi takot po pala siya sa dugo?"walang ano anong saad pa ni Athena!
Lalo namang nagulat ang matanda sa sinabi ng dalaga!tila ninerbyus ito at hindi mapakali!
"mi problema po ba?-----"curious na si Athena sa inaasta ng matanda!
"p-pano mo naman n-nasabi yan ha bata ka?-------"nanginginig na tanong ng matanda!
"eh kumaripas po ng takbo kanina eh--------hahaha!todo takip pa ng ilong niya!hahaha-------"malutong na tawa ni Athena!
"naku bata ka talaga....sige na magpahinga ka na muna at malalim na ang gabi----dito ka lang sa silid mo at wag kung saan saan ka pumupunta--------hindi mo alam ang pasikot sikot dito..."mahaba namang paalala ng matanda!
"okay po..salamat po Aling Leticia..."si Athena!
~~~~
Kinaumagahan ay inihatid naman ng matanda si Athena sa isang silid!
Pinakiusapan kasi ni Athena ang matanda na kung pwede kausapin nito si Senior para sabihing gusto niya itong makausap!para maisauli ang wallet nito at para makapagpasalamat na rin!
Pumasok si Athena sa loob ng silid!nakatalikod naman si Senior at nakapamulsa ang dalawang kamay nito!
Hindi agad nakapagsalita ang dalaga!inililibot nito ang paningin sa loob ng silid!
"dont waste my time for nonsense--------sabihin mo na ang gusto mong sabihin at umalis ka na!------"maawtoridad namang saad ng nakatalikod pa ring si Senior!
"ahmm...gusto ko lang sana magpasalamat sa ginawa mong pagliligtas sakin kagabi...."si Athena!
"okay-----is that so?----"si Senior!
"grabe ang suplado talaga nito!----ang sungit pa!---"inis na bulong ni Athena!
Sinigurado naman ni Athena na siya lang ang makakarinig nun sinabi niyang iyon!
Napakunot noo ang binata dahil rinig na rinig nito ang sinabi ng dalaga!
"kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na!------ihahatid ka na lamang ni Pilo hanggang sa labasan!"matigas pa ring sabi ng lalaki!
"A-Austin-----------"walang ano anong sambit ni Athena!
Nagtagis ang bagang ng lalaki at unti unting pumaharap kay Athena!tinitigan na naman niya ng masama ang dalaga!
Ngiting ngiti naman si Athena ng pumaharap si Senior sa kanya!
"h-hayan na naman yang tinging mong yan ha--------napulot ko lang naman tong wallet mo....isasauli ko nga..nahulog mo siguro nong kumaripas ka ng takbo-----"pigil ang tawang si Athena!
Lumapit ang binata sa kinatatayuan nito at agad hinablot sa kamay nito ang wallet!
"ang sama din talaga ng ugali mo noh?!------"inis at napalakas namang sambit ni Athena!sabay irap rito!
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ng binata sa sinabi ng dalaga!
"oh oh!-------bakit ba kumukulo ang dugo mo sakin ha?------wala naman akong ginawang mali sayo ah... ."agad na depensa ni Athena!
"get out!-------"si Senior!
Masama din nitong tinapunan ng tingin ang dalaga!
"para namang mangangain ng buo!------bakit kakainin mo ba ako ha?tssk!-----"inis na si Athena!
"yes!-----i want too!-----"walang ano anong sambit ng binata!seryoso ang pagkakasabi nito!
"k-kakainin moko?-------"ulit ni Athena!
"yes-------"matigas at diretsang sambit ng binata!!
Nanlaki ang mga mata ni Athena kasabay ng malutong nitong tawa!
"hahahaahaha!-------talaga?!------hahahaha----"malutong na tawa ni Athena!
"whats so funny?---im serious!-----"napakunot noo namang si Senior!
"hahahahaha!----hmmm......pwede na..hindi na masama!------"humahagikgik na si Athena!
Hinagod pa nito mula ulo hanggang paa ang binata!
Naalala kasi nito ang pinanood nilang x-rated movies ng kaibigan nitong si Alyssa ng minsang puntahan niya ito!
Napagtripan ng mga ito na manood ng x-rated na movies ng araw na iyon!naalala pa nito ang isang lines sa movie na napanood ng mga ito!
"eat me while im hot!-----"sa isip isip ni Athena!
Kunot noong napatitig ang binata sa ngiting ngiti na si Athena!