Chapter 63

1534 Words

Ilang beses na napatingin si Fin sa pintuan ng kaniyang kwarto, tapos sinipat ang oras sa gamit niyang relong pambisig. Mag a-ala-una na ng madaling araw at kanina pa niya hinihintay si Ruby na pumasok sa kaniyang silid kagaya ng kaniyang sinabi sa huling paguusap nila. Ganoon pa man ay wala pa rin ito hanggang ngayon. Muli niyang tinignan ang oras, bawat minutong lumilipas ay nasa isip niya na papunta na si Ruby. At nang lumipas ang 30 minuto na wala pa rin ito ay hindi niya napigilan ang sarili at kinuha ang kaniyang cellphone. Ang numero ni Ruby ang unang bumungad sa kaniya. He wanted to press the button and call her. Pero alam niyang pag ginawa niya iyon maaring magising ang kaniyang dad. At hindi lang iyon, malamang ay hindi sagutin ni Ruby. Kaya naman ay binitawan niya ang telepono

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD