"Ruby, sure ka ba?" Tanong pa ni Ginger nang tuluyan na lumabas si Ruby para harapin si Fin. "Hindi naman ako makiki-table, papaalisin ko lang din siya." Sabi ni Ruby bago kumuha ng isang shot at straight na ininom iyon bago naglakad na papunta sa table kung nasaan si Fin. Pagkarating niya roon ay nagtama ang tingin nila, ngumiti si Fin pero si Ruby hindi. "Fin, ano ba? Bakit ka nandito?" Tanong niya kay Fin at hindi ito sumagot. "Ano bang problem mo? Hindi ba nag-usap na tayo? Hindi ba nagkaintindihan na tayo? Paanong bigla ka na lang magpapakita at i-ta-table ako?" "Bakit? Masama bang pumunta ako rito? Hindi ba ako pwede rito?" Sabi pa nito bago hinawakan siya sa balakang at hinapit pa si Ruby. Halata ang pagka-ilang ni Ruby sa ginawa ni Fin. Aaminin niya nais niyang makita si Fin. N