Sinundan ng tingin ni Ruby si Evelyn at ang matandang kasama nito, nagpaalam siya kay Ginger na mag-iikot upang maghanap ng magiging customer niya ngayong gabi. Pero ang totoo ay nakahanap na siya ng target, ang kailangan niya na lang gawin ay makahanap ng pagkakataon na maka-usap ang matanda at magagawa niya lang iyon kapag humiwalay si Evelyn sa tabi nito. Pasimple niyang binantayan ang kilos ng dalawa. Sinundan kung saan sila pupunta ng hindi nila siya napapansin. "Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin? bakit hindi mo na lang puntahan ang asawa mo, mukhang mas kailangan ka niya kaysa yung nandito ka sa tabi ko na para akong mawawala." inis pa na sabi ni Mr. Alfonso sa kaniyang anak. "Dad, siyempre nagaalala lang naman ako sa'yo. Ayoko na mailang ka lalo pa at napakaraming tao rito."