CHAPTER 1
"Oopss!" halos sabay nilang wika ng hindi sinasadyang magkabanggaan sila ng lalaking may kausap sa kanyang cellular phone.
"Ano ba!" inis na wika ni Berlyn. "Nakita nang nagmamadali." Patuloy niya habang pinupulot ang mga nalaglag na mga papel galing sa dalang folder. Naghahabol siya ng oras dahil na late na siya ng araw na iyon, kailangan niyang maisubmit ang mga dalang papeles na pinaglamayan niya buong gabi kaya tinanghali siya ng gising, kailangan daw iyon ngayong araw na ito sa opisina ng kanilang company's president
"Hello, Joseph, I'll call you later, bye." Nagmadaling pinutol ng lalaki ang pakikipag-usap sa kabilang linya ng kanyang cellphone at tumingin kay Berlyn. "I'm sorry, Miss, I'm really sorry." Walang humpay na paghingi ng paumanhin ng lalaki habang dinadampot din ang mga papel saka iniabot sa dalaga. "Again, my apology." Ulit ng lalaki saka pa ngumiti.
Salubong ang kilay na inabot ni Berlyn ang mga papel na inaabot sa kanya ng lalaki saka pairap na tinalikuran. Dahil sa inis ay hindi tuloy niya napansin ang nakabibighaning kaguwapuhan nito. Naiwang nakatingin sa kanya ang lalaki habang napapailing.
"O, bakit naman salubong ang kilay mo? At late ka ata ngayon." Si Flor kasamahan nya sa accounting department.
"Oo nga, tapos kukunsumihin pa ako ng nakabanggaan ko kanina." Padabog na inilapag sa ibabaw ng kanyang office table ang dalang folder at ang shoulder bag.
"Smile, bawal ang nakasimangot dito, tingnan mo ako, ang ganda ng ngiti ko ano? Paano kasi nakasabay ko si Mr. Guwapo sa elevator kanina for sure my whole week will pass with joy." Tila kinikilig na wika ni Flor, kasabay ng abot taingang ngiti, nangislap ang silver braces nito sa mga ngipin at pag-alog ng tatlong layer niyang bilbil.
"Sino naman si Mr. Guwapo?" nakakunot noong tanong ni Berlyn.
"Si Mr. Gutierrez a.k.a Mr. President."
"Wow ah! Daming name tag sa iyo ah."
"Oo nga eh sa susunod Mr. Sweetheart na itatawag ko sa kanya kapag naging kami na!." Saka pa ito sinabayan ng matamis na ngiti at pangingislap ng mga mata ang pagdadaop ng kanyang mga palad na para bang nagdarasal.
"Hindi mo ba titigilan ang pangangarap mo Flor? Aba baka masiraan ka." Mataray nitong sabi, mabuti nalamang at hindi pinapansin ni Flor ang kanyang pagtataray na alam naman ng huli na dala lang ito ng inis sa pagkakalate.
"Grabe ka naman, hindi naman masama ang mangarap. Kapag naging sexy ako mapapansin din ako ni Mr. Guwapo."
"Oo pero depende sa papangarapin, bakit mo papangarapin ang imposible?"
"Bakit naman imposible aber?"
"Unang-una, naipagkasundo na siya hindi ba? Ikaw pa nga ang nagbalita sa akin non nung nakaraang araw, pangalawa, boss mo siya at empleyado ka lang niya."
"Napakanega mo. Ipinagkasundo palang naman ano, puwede pang ma-cancel iyon at isa pa, e ano naman kung boss ko siya? Walang imposible in the name of love at lahat pantay-pantay pagdating doon."
"Ganon ang mga mayayaman ayaw nilang mapunta sa ibang hindi nila kalevel ang kanilang mga negosyo kaya kung hindi ka in line with them h'wag kana mangarap at isa pa pumapatol ka sa boss mo? At papatulan ka naman kaya niya?" may tila hinanakit sa salita ni Berlyn. Naalala nanaman kasi nya ang dahilan kung bakit siya nasa maynila ngayon.
Isa sa may sinasabing pamilya sa Cebu ang kanyang pinanggalingang angkan. Bukod sa naging dating congressman ang kanyang ama. Dahil sa kaugaliang naipasa sa kanila ng kanyang mga ninuno, naipagkasundo rin sya sa isang kilalang angkan na kakilala at kaibigan ng kanyang ama. Tulad ng naging kapalaran ng kanyang mga magulang na ang kasal ay bunga rin ng pakikipagkasundo ng kanyang mga lola't lolo.
"Ikaw napaka-bitter mo! Why not? Basta crush ko siya tapos."
"Ewan ko sayo!"
"Hmn! Sungit. Nireregla ka ba?"
Tinapunan lang siya ni Berlyn ng kunot noong tingin. Alam naman niyang hindi mapipikon sa kanya ang kaibigan, sadyang wala lang siya sa mood para makisama sa pantasya nito ng ke-aga at isa pa ay minsan ay naiirita na siya sa paulit-ulit na pagbibida ng kaibigan sa kanilang Boss at sa love interest niya dito na alam naman din nilang imposible ang ambisyon nito.