Chapter 1 | The Night When Everything Started

2693 Words
Quinton Eli Manuel ISINARA ko na ang librong binabasa ko nang makarinig ako ng katok sa kwarto ko. Bumukas iyon kung saan sumilip si Mama. “Quin sweetie, tapos ka na bang mag-aral?” malumanay na bungad n’ya. Agad ko namang pinatay and study lamp ko. “Uh-yes po, Ma.” She smiled. “The dinner is ready. Kung gusto mo dalhan na lang kita rito?” Dali-dali naman akong umiling. “Hindi na po, ma. I’ll join the dinner po. Sunod na lang po ako.” Tumango na lamang s’ya bago muling isinara ang pintuan ng kwarto ko. I’ve been studying for two consecutive nights for our finals kaya dalawang gabi na rin akong hindi nakasasabay sa kanila sa pagkain. Kaya naman kahit hindi pa ako tapos sa inaaral ko, sasabayan ko pa rin sila. Ito na kasi ang nakasayan ng pamilya ko. We always make time kahit gaano pa kami ka-busy para lang makapagsabay-sabay sa pagkain. Bumaba na ako at tuluyan nang nagtungo sa dining. Nakita kong kumpleto na sila doon. Agad tuloy akong nakaramdam ng gutom nang makaabot sa pang-amoy ko ang ulam na niluto ni Mama. Adobo, my favorite. “Tomorrow’s the last day of your finals, right?” bungad sa akin ni Papa nang maupo ako. I nod. “Yes, Pa.” “Tapos sa susunod na araw ay educational tour nyo na?” tanong naman ni Mama. Napangiwi ako nang maalala ‘yon. “Opo,” sagot ko na lang. I don’t actually have any plan to join kung wala lang dagdag grade yung tour na ‘yon. Mas prefer ko pang manood ng na lang ng anime or magbasa buong araw than surround myself with noisy people. “Kuya ang ganda sa zoo!” maligaling na sabi ni Queenie, my younger sister. Mas nauna kasi ang batch ng mga grade 7 kaya’t alam na ng kapatid ko. “Hmm,” tanging tugon ko na lang bago muling nilingon si Mama. “Ma, mataas naman na yung grades ko. Pwede po bang hindi na ‘ko sumama roon?” I asked for the nth time. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo n’ya. “Ha? Hindi ba’t last year mo na ‘to sa junior high at senior high ka na next school year? Hindi naman yung grades yung hinahabol mo anak... yung experience.” I sighed. I think wala na ‘kong ibang option. Sumagot naman si Papa. “Tama ang Mama mo, Quin. Treasure your remaining moments sa high school dahil hindi mo na ulit mararanasan yan. At this time, dapat ay nagbuibuild ka na ng long-lasting friendship.” I was about to open my mouth para sana idefend ang sarili ko but at the end, I decided to just keep it shut. My point naman sila. I’m an introverted kid—ilag sa tao. Ang alam ko lang ay mag-aral, magbasa, at mag-binge ng anime. Ang motto ko pa nga dati ay ‘I am good at my own company.’ I’m a total opposite of my younger sister who is so bubbly and has a lot of friends. “Oh s’ya, Queenie pangunahan mo na ang dasal,” utos ni Mama sa kapatid ko, but when we are about to close our eyes, nakarinig kami ng sigawan sa labas. “May kaaway na naman ata si Aling Lorna,” ani Papa bago muling tinignan ang kapatid ko. “Go on.” Nakita kong pumikit na sila para magdasal habang ako naman ay nanatiling nakadilat at mas pinakinggan ang kung anong mang kaguluhan sa labas. Mukang may season seven na nga ata ang awayan nila Aling Lorna ah. “Amen,” sabay-sabay na usal nila saka na nagsimulang kumain. “P*tang ina mo, anong ginawa mo?!” Hindi nagtagal ay muli kaming natuon sa kaguluhan sa labas. Napailing pa si Papa sa narinig. “Hoy g*go awatin nyo!” muling sigaw ng sa tingin ko ay ang kapitbahay naming si Mang Jomar. “Baranggay! Baranggay!” “Tumawag kayo ng ambulansya!” Muli akong napaangat ng tingin kina Papa. Mukhang hindi na lang basta simpleng bangayan ang nangyayari sa labas, at alam kong ayon din ang nasa naiisip nila. Sabay-sabay naman kaming napatayo nang bigla na lang mas lumakas ang sigawan sa labas. This time ay sigurado nang hindi lang basta bangayan ang nangyayari. Si Papa ang naunang makasilip sa bintana. Agad naman akong kinutuban nang makita ang pagseryoso at pagkunot ng noo n’ya. “Anong nangyayari?” bahagyang nag-aalalang tanong ni Mama saka s’ya tuluyang sumilip. Bigla naman s’yang napatakip ng bibig sa labis na pagkabigla sa nakita. What’s happening? bulong ko sa sarili ko. Dali-dali naman na akong lumapit sa kanila para makisilip. “Dyan lang kayo!” pagpigil pa ni Papa but he was too late. I already saw it. Ang una kong nakita ay ang kaguluhan at takbuhan ng mga nakikiusyoso. They are all shouting for help. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa pamilyar na lalaki. Nakita ko si Mang Jomar na nakahiga sa kalsada habang may isa pang lalaki na nakapatong sa kaniya. I thought they were just throwing fists to each other, but when I looked longer, agad na bumaligtad ang sikmura ko. The man leaned closer to Mang Jomar’s neck, and when he pulled back... blood squirted and scattered all over the place. Napatakip pa ako ng bibig nang makita ko ang natapyas na laman ni Mang Jomar na kagat-kagat ng lalaki. “Oh my gosh,” bulong ni Mama na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. “Anong nangyayari?” “Ma, Pa, ano pong nangyayari?” curious na tanong ng kapatid ko but I immediately faced her. “Don’t look,” matigas na usal ko. The scene is too traumatizing for her to see. “Tulong! Tulong!” Sabay-sabay kaming napalingon nang makarinig kami ng malakas na pagkalampag sa pintuan. Nagkatinginan pa sina Mama at Papa sa narinig. “Si Mareng Janine ‘yon diba?” nag-aalalang usal ni Mama saka sila sabay na tumakbo papuntang sala. “Stay here,” muling utos ko sa kapatid ko saka nagmamadaling sumunod kina Mama. Ate Janine is our family’s friend kaya naman they didn’t think twice na pagbuksan ito para tulungan. When they opened the door, fear enveloped my whole system. “Mare, tulong—" Umiiyak si ate Janine na lumapit kay Mama. She’s covered with blood. May malaking sugat din s’ya sa braso kaya naman may ilang patak na rin ng dugo sa sahig namin. “Oh my god, anong nangyari mare?!” nag-aalalang tanong ni Mama. “N-Nababaliw... nababaliw na sila—" “PAPA!” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang na may kung sino ang humablot kay Papa at hinila s’ya palabas. I stood there, frozen. I don’t know what to do. “Isara nyo ang pinto! Maraming baliw sa labas!” muling hiyaw ni ate Janine, halatang nagpa-panic na. Pero walang sumunod sa kanya dahil napunta kay Papa at sa tila wala sa pag-iisip na lalaki ang atensyon namin. “Elias!” pagtawag rin ni Mama kay Papa. Nakipagbuno si Papa sa kung sino mang lalaki ang humila sa kaniya. Gaya ni ate Janine, duguan din yung lalaki pero may kakaiba sa mga mata n’ya. Blangko lang ang mga ito at para bang galit na hayop na gustong sumugod sa amin. Napahinto pa ako sa paghinga nang makita kong umamba ng kagat ang lalaki. Mabuti na lamang ay nasukol s’ya ni Papa sa leeg nito at naidin sa pader. “Isara nyo na ang pinto!” hiyaw ni Papa sa amin pero hindi ito ginawa ni Mama, bagkus ay lumabas na rin s’ya para tulungan si Papa. Habang ako naman ay dali-daling napaatras nang makita kong biglang bumulagta si ate Janine sa sahig. Tinitigan ko s’ya nang ilang segundo bago nagsink in sa akin ang nangyari. “Ate Janine, ate Janine!” pagtawag ko rito saka s’ya nilapitan. Lumuhod pa ako para ma-check kung anong nangyayari sa kaniya. Pero muli akong napaatras nang makita ko ang pangingitim ng mga labi n’ya. Ang mga mata n’ya ay tila ba unti-unti nang nagiging katulad ng mata nung lalaki na umaatake kay Papa. Doon na ako kinutuban. “MAMA!” malakas na pagtawag ko kay Mama. “Mama, si ate Janine!” pag-uulit ko pa. Sakto namang nakita kong nabalibag na ni Papa yung lalaki at patakbo na sila ni Mama na pumasok sa loob at naisara ang pinto. “Mare, ano bang nangyayari sa labas? Bakit nagkakaganoon ang mga kaitbahay?” muling tanong ni Mama kay ate Janine pero dali-dali ko s’yang hinila palayo rito. There’s something wrong with her! I got goosebumps when she growled like a wild animal. She then moved forward to attack us but because of my instinct, I immediately grabbed the nearest thing around me, it was a swivel chair, and I used it to push her back. “Pa, sa tingin ko ay nahawa na po s’ya sa mga tao sa labas!” I shouted while trying to calm myself. Literal na nanginginig ang mga kamay at binti ko mula sa mga nasasaksihan. “Quin, look for your sister and lock yourselves into your room.” matigas na utos ni Papa... but I didn’t move. “Pa, ilabas nyo po s’ya!” muling pagukoy ko ay ate Janine na ngayon ay patayo na at aamba na naman ng pagsugod sa amin. “Janine ano bang nangyayari sa ‘yo?! Kumalma ka!” Mama shouted desparately. I was about to push her again using the same chair pero nahila na n’ya si Mama. Ang bilis ng mga pangyayari. I ran towards them and kicked ate Janine away... but I was too late. Nakita ko na lang ang pagbaon ng mga ngipin ni ate Janine sa mismong tiyan ni Mama. My mind went blank when I heard Mama’s scream. “Eliaaaas!” sigaw ni Mama nang tuluyan s’yang makagat ni ate Janine sa tiyan. They are both on the floor. Hindi ko na lang namalayan na nagkalat na pala ang dugo sa puting sahig namin. Papa grabbed ate Janine away from Mama. He didn’t think twice to repeatedly smash her head on the floor hanggang sa tuluyang mabasag ang bungo nito. Muntik na akong mawalan ng lakas lalo na nang maging ako ay natalsikan ng dugo. Sobrang daming dugo. Nahihilo ata ako. Nagsink in lang sa akin ang nangyayari nang marinig ko ang pag-iyak ni Mama sa sahig. “Quin, I said look for your sister and—” Hindi natuloy ang sasabihin ni Papa nang pinutol ko ‘yon. “Pa, stay away from Mama,” nanghihinang sabi ko nang makita ko ang pangingitim ng labi n’ya tulad ng nangyari kay ate Janine kanina. But he just looked at me with judgment like I was the insane person in the room. Hindi ko na kinaya. I broke down. I already know what will gonna happen next to my mom. I was bawling my eyes out when she started to get up, and her eyes are different from before. “Pa, I-I’m s-sorry but you have to g-get away from her...” usal ko sa bawat paghikbi ko. Gaya ko, umiiyak na rin si Papa. But he didn’t listen. The scene is too heartbreaking and too crazy for us to process. Bigla naman kaming napalingon sa kusina nang makarinig kami ng pagkabasag mula doon na nasundan pa ng pagsigaw ng kapatid ko. “Aaaaaahhh! Papa, Mama!” “Queenie,” nanlalaking-matang bulong ko. Automatic din namang tumakbo ang mga paa ko patungo doon. When I got there, I saw her crying while a random guy is chasing her around the table. Napansin ko rin ang basag na bintana sa gilid. “Queenie!” pagtawag ko sa kapatid ko saka dali-daling dinampot ang mangkok ng adobo sa mesa at ipinukpok sa muka ng lalaki. Bumagsak ito kaya naman mabilis ko nang hinila ang kapatid ko at patakbong tinungo ang hagdaan paakyat sa kwarto, pero halos mamuti ang mukha ko sa kaba nang makita kong muling bumangon ang lalaki at patakbong humabol sa amin. “Queenie bilis!” nagpa-panic na sabi ko sa kapatid ko. She cannot even speak dahil sa labis na pag-iyak at pagkabigla sa nangyayari. Bago pa man kami tuluyang mahabol nung lalaki, nagawa na naming makapasok sa kwarto ko. Napatili pa nang malakas ang kapatid ko nang kumalampag nang malakas ang lalaki sa pinto. Dali-dali ko namang inusod ang side table ko at iniharang doon bilang dagdag suporta. “K-Kuya, a-anong nangyayari?” humigikbing tanong ng kapatid ko. Hindi pa maprocess ng utak ko kung ano bang dapat sabihin. Sobrang bilis ng mga pangyayari. “There’s a lot of crazy people outside,” I whispered. Dali-dali ko naman s’yang nilapitan nang marinig ko ang pagsigaw ni Papa sa ibaba. I covered her ears. Alam kong hindi n’ya kakayanin na malaman ang nangyari sa parents namin. Maging ako ay parang babagsak sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko ngayon. Parang kanina lang ay payapa pa kaming kumakain... and then biglang ganito. I hugged her as I let out my emotion again. “K-Kuya it hurts,” biglang pagdaing n’ya na ikinalaglag ng puso ko. “No...” I whispered to myself. Para akong nakakita ng multo nang ipakita nya sa akin ang kagat sa braso n’ya. Nakabakat pa rito ang mga ngipin ng kung sino mang kumagat doon. “Kuya that crazy man bit me. Asan sina Mama?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Not her. I thought I was able to save her. Ilang minuto akong natulala bago kusang gumalaw ang katawan ko patungo sa cabinet ko. Kumuha ako ng tela saka agad na tinalian nang mahigpit ang braso nya kung saan s’ya nakagat nung lalaki. Napapitlag pa kaming dalawa nang muling kumalampag ang lalaki sa pinto ng kwarto ko. “Tumawag tayo ng pulis!” suhestyon n’ya. Doon lang ako nagising. Oo nga no? Dapat kanina pa kami tumawag ng pulis. Bago gawin ‘yon, kinuha ko muna ang kumot ko para itinali iyon sa paa at binti ng kapatid ko na agad n’ya ring ipinagtaka. “Kuya anong ginagawa mo? Will I be okay?” she’s starting to panic kaya naman kinalma ko ang sarili ko para pakalmahin din s’ya. I forced a smile kahit pa alam kong dama n’ya ang panginginig ng mga kamay ko. I kissed her forehead. “Yeah, you will. But this will make you safe, trust me,” marahang usal ko. Pilit kong pinipigil ang pagpatak ng luha ko habang tinatali ko ang mga kamay at paa n’ya gamit ang kumot. I don’t wanna do this. Pero mas ayokong saktan s’ya dahil alam kong sasaktan n’ya ako sa oras na magaya s’ya kina ate Janine at Mama. Nang mabuhol ko na ‘yon, I carefully guided her to lay her back in my bed. “Just rest. We’re already safe here,” I said, and then I gave her a reassuring smile. Kahit nalilito pa sa nangyayari, tumango naman s’ya sa akin bago tuluyang ipinikit ang mga mata. Sunod kong tinungo ang phone ko na nasa study table. Dali-dali akong nagdial ng number para tumawag ng pulis pero agad din akong nanghina nang makitang out of service ang network. Walang signal! Fuck, we’ve run out of options. Ano nang gagawin ko? Muli akong napatingin sa pintuan. Nanahimik na sa loob ng bahay pero rinig na rinig pa rin ang malakas na sigawan at kaguluhan mula sa labas. Napunta naman ang atensyon ko sa kamay kong nakalamukos sa pajamang suot ko nang may pumatak doon. Doon ko lang narealize na umiiyak na pala ako. My hands are shaking—no! My whole body is trembling. Hindi ko pa rin alam kung papaano ipoproseso ang mga nangyari. In a matter of time, biglang nagkaganito. Is this even real? Habang nag-iisip ng dapat gawin ay hindi ko na namalayang unti-unti na pala akong hinihila ng antok. It’s maybe because I’m already mentally, emotionally, and physically exhausted kaya hindi ko na napigilan na magpadala rito. I just closed my eyes and hoped that everything was just a nightmare. Fuck
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD