First Chapter
DISCLAIMER: This story is completely a work of fiction. The names of the characters, setting of the story and events, are all products of the author's creative imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is just purely coincidental.
The story contains words and some scenarios which may not be suitable to some readers.
Reproduction of this story in any form without the author's consent is strictly prohibited.
SHAYA's POV
"Drew, don't make this hard for me! Ayoko na, please lang, pabayaan mo na ako," naiiyak na sabi ko sa aking asawa. Palabas na sana ako sa pintuan ng inuupahan naming bahay nang dumating siya buhat sa kanyang trabaho.
"Please hon, huwag mo naman gawin sa akin ito. Ano ba ang nagawa ko at bakit gusto mo akong iwan?" Pigil-pigil ako ni Drew sa aking kanang braso.
Ibinaba ko ang maletang buhat ko at humarap ako sa kanya. Pinilit kong patatagin ang aking boses.
"Iyon nga ang masakit, Drew. Wala kang ginawa kaya gusto kong umalis. My God! We've been together for five years now. Pero hanggang ngayon, wala pa rin nangyayari sa buhay nating dalawa. Nangako ka sa akin noon, Drew. Ang sabi mo, kapag nagpakasal ako sa iyo— bibigyan mo ako ng maayos na buhay. Pero look at us now! We still have the same life as what we had before. Suko na ako! Ayoko na!" Kinagat ko nang mariin ang labi ko, habang pinipigilan ang mga luha kong gusto nang mag-unahan sa pagtulo.
Lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako sa aking beywang.
"Hon, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon. Promise ko sa iyo, matutupad din lahat ng mga
ipinangako ko sa iyo dati. Alam mo naman na tumutulong pa ako kina Mama, hindi ba?" tanong niya habang nagsisimula na rin pangiliran ng luha ang kanyang mga mata.
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ha, Drew? Oo alam ko, tumutulong ka pa sa pamilya mo. Pero hanggang kailan? Nakatapos na 'yung bunsong kapatid mo na pinag-aaral mo, nakapag-asawa na ang Kuya mo at may pamilya na rin ang kapatid mo na sumunod sa iyo. Kailan mo naman kaya maiisipang unahin ako? All these years, naghihintay ako na sana'y ako naman ang i-priority mo. Pero it seems like, paghahantayin mo pa rin pala ako?" Bumangon ang inis sa puso ko.
Mahal ko si Drew.
In fact, mahal na mahal ko siya. Pero paano naman ako? Habang patuloy ko siyang minamahal, pakiramdam ko naman ay unti-unti ako nawawalan ng pagmamahal para sa sarili ko. Mula noong magpakasal kami hanggang sa ngayon—puro na lamang pagtitiis at pang-unawa sa sitwasyon niya ang ginagawa ko.
He's the second child in his family. Ngunit dahil sa nag-asawa na ang panganay nilang kapatid at ang sumunod sa kanya, nakadepende na ang Mama niya sa kanya. Siya na rin ang nagpaaral sa bunso niyang kapatid.
Noong una ay naiintindihan ko pa, ngunit sa katagalan ay para na akong hindi makahinga sa sitwasyon naming dalawa. Mabuti na lamang at wala pa kaming anak mag-asawa. Dahil kung nagkataon, pati ang magiging anak namin ay kinakailangan din magtiis dahil sa responsibilidad niya sa pamilya niya.
Halos kalahati ng sahod niya sa trabaho ay napupunta sa pamilya niya. Tuwing kinsenas at katapusan ay gano'n ang sistema. Ang ibinibigay naman niya sa akin ay mapupunta lamang para sa pambayad sa renta namin sa bahay, bayad sa kuryente't tubig, at ang kaunting tira ay para sa pambili ng kaunting groceries na pipilitin kong pagkasyahin sa loob ng ilang araw. Minsan naman ay halos hindi na kami nakakapamili dahil sa kanya rin nanghihingi ng pambili ng diaper at gatas ang kapatid niya para sa mga anak nitong maliliit pa.
Okay lang sana kung hindi palagi, pero ang napapansin ko, kahit ang Kuya niya ay sa kanya na rin umaasa. Pati ang ginastos nito sa bonggang kasal nito ay may ambag din si Drew.
Sa kabila ng mga iyon ay nanahimik lamang ako noon. Hindi ako nag-o-open sa kanya ng nararamdaman ko tungkol sa pamilya niya. Ayoko kasing pagtalunan pa namin mag-asawa ang bagay na iyon.
Ngunit sa paglipas ng mga panahon ay dumalas na nang dumalas ang paghingi-hingi ng pera kanyang Kuya at kapatid niyang lalaki na sumunod naman sa kanya. Maging ang bunso nilang kapatid— gano'n din ang naging sistema kahit na noong nagka-trabaho na naman ito.
Ang kalahati ng s'weldo niyang ibinibigay sa akin tuwing pay day ay lalong nabawasan. Kaya naman nakaisip akong mag-online selling. Nagtitinda ako ng kung ano-ano na p'wede ko ibenta.
Pero ang masakit, maging ang maliit na naiipon ko para sa aming dalawa at sa plano namin bumili ng sarili naming bahay ay nagagalawan pa kalimitan dahil sa pamilya niya.
Masakit para sa akin na sa ilang taon naming pagsasama ay wala pa rin kami matatawag na sarili naming pag-aari.
Nakabili siya ng motor niya na siya niyang ginagawang service pagpasok sa trabaho, pero madalas ay nasa hiraman at kapatid niya ang gumagamit. Kapag nasira naman ay kami rin ang nagpapaayos, dahil iniiwan na lang itong sira ng kapatid niya sa harapan ng inuupahan naming bahay.
Hindi naman p'wedeng palaging ganito. Paano na lamang kung mabuntis ako— lalo pa't palagi niya akong ginagamit? Paano naman ang magiging anak namin? Kaya habang maaga pa, ay gusto ko nang iwan na lamang siya. Hindi ko naman siya p'wedeng pamiliin sa pagitan namin ng pamilya niya.
"Hon, please. Magdodobleng sikap pa ako para sa atin, huwag mo lang akong iwan. Please?" muling pakiusap niya.
Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa beywang ko.
This time, hindi na puro puso ang paiiralin ko! Gagamitin ko na rin ang isip ko, na sa matagal na panahon ay nakalimutan kong paganahin dahil sa pagmamahal ko kay Drew.
"No! We better put an end to our relationship. Pagod na pagod na ako sa sitwasyon natin. Pero ang masakit, ni hindi mo alam ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman! Paalam na, Drew. Ingatan mo sana ang sarili mo." Pagkasabi ko niyon ay tuluyan na akong lumabas sa aming pintuan.
Hindi ko na hinintay kung mayroon pa siyang ibang sasabihin. Ayoko na siyang lingunin dahil baka magbago pa ang aking isipan.
I think this is the best thing for us to do. Ang maghiwalay ng landas. Sa pag-alis ko, pipilitin ko bumalik sa dating buhay ko, noong dalaga pa lamang ako. May sariling trabaho, nagagawa ang mga gusto ko at may sariling pera.
Hindi ko na kailangang umasa sa aking asawa para mabili ang mga pangangailangan ko.
Habang papalayo ako'y walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko rin inaasahan na sa ganito lang mauuwi ang pagsasama naming dalawa.
Drew's my first love, he's my first boyfriend and he's the only one whom I let to enter my life. Na love-at-first sight ako sa kanya sa araw ng pagkikita namin matapos ang isang buwang pag-uusap sa chat. Ikinasal kami after three months of being a couple. Maraming kakilala namin ang nagsabi noon na hindi kami magtatagal dahil mababaw lang daw ang pundasyon ng relasyon namin.
Pero—hindi namin iyon inintindi. We rushed into marriage without thinking what the future lies ahead of us.
At heto kami ngayon...wala nga yata talagang "forever"?