"Hindi na lang ako nagsalita kahit na nung makarating kami sa bahay niya. Mukha pa naman mainit ang ulo ng lalaki. Ipinahatid na lang nga ako kay Tanya sa magiging silid ko. "Hindi ko alam kung nasaan lugar kami. Ang tangi kung nakikita ay mga nagtataasang puno. Pumasok kasi kami sa gitna ng kagubatan. At kahit dito sa gitna ng kagubatan ay may nakatirik na bahay at gawa ang mga dingding sa kawayan. Bukod sa bahay na kung saan ako hinatid, meron pang tatlo na hindi rin kalakihang kubo. Kung hindi ako nagkakamali ay paniguradong 'yung mga bahay na iyon ay tinutulugan ng mga tauhan ni Duke. Umikot ang mga mata ko sa kwartong pinagdalhan sa'kin ni Tanya. Kahit walang aircon at electric fan. Sadyang malamig ang buong kwarto dahil sa dalawang bintana na nakabukas at tanging kurtina lang an