"Matulin akong tumakbo at kahit lingon ay hindi ko ginawa. Baka bigla akong mapansin ni Duke. Siguradong mahahabol ako nito oras na makita ako. May tumigil na bus kaya nakipagsiksikan ako sa mga sumasakay. "Ano ba!" Nakakasakit ka na, ate. Puwede mo naman hintayin na makapasok kami sa loob ng bus, galit na wika ng isang babae. "Sorry! Miss. Nandito na ako sa loob ng bus, babalik pa ba ako diyan sa ibaba upang hintayin kayong umakyat. Saka hindi ko na kasalanan kung mabagal ka, pa-asik ko turan ko. "Paismid akong tumalikod at pumunta sa pinaka hulihang upuan. Ang tanong ko sa'king sarili, saan ako ngayon patutungo? Ayaw ko naman umuwi sa bahay namin dahil ayaw kong bigyan ng alalahanin ang mga magulang ko. Biglang tumigil ang bus at may nagkakaingay rin sa labas. Napasilip ako sa binta