TUMUNGIN ako sa pagmumukha ng lalaking kaharap ko. Parang gusto ko siyang sampalin nang dalawang beses. Hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa. Agad kong itinaas ng palad ko at walang pakundangang sinampal si Duke. "Damn! Ano bang problema mo, Jenny? Galit na tanong ni Duke. "Wala naman akong problema Pinsan. Nabigla lang ako. Hindi ko talaga sinasadya na sampalin ka Pinsan, wika ko rito. Masamang tingin ang ibinigay niya sa'kin. Mabilis naman akong lumabas ng banyo. At baka gumanti sa'kin ang lalaki. Tumingin ako table na mayroong laman na mga pagakain. Gusto ko sanang kiligin dahil pinaghanda ako ni Duke ng makakain ko. Kaya lang pumapasok sa isipan ko na meron itong babae. At doon pa talaga niya pinatutulog sa kwarto niya. Nakakagigil. Ang masaklap pa ang pakilala sa'kin mag pinsan raw