HINILA siya ni Gelbirt palapit rito gamit ang isang kamay nito habang ang isang kamay nito ay hinaplos ang kanyang pisngi habang nakatitig ito ng diretso sa mga mata niya. Para siyang maiihi sa kaba at excitement–teka, excitement? Bakit naman siya makakadama ng excitement sa ganitong sitwasyon? Dinala niya ang kanyang kamay sa dibdib ng lalaki para sana itulak ito pero wala siyang lakas. Napapikit siya nang tumama sa pisngi niya ang mainit na hininga ng lalaki nang hinalikan nito gilid nun at bumaba ang labi nito sa banga niya. Pakiramdam niya biglang umiinit ang loob ng sasakyan kahit pa bukas ang bintana. Napakapit siya sa balikat ng lalaki ng lumayo ito ng kanti at tinapat ang mukha sa mukha niya sabay lagay ng hintuturo nito sa ibabang labi niya. Napalunok siya, jusko marimar! Mababa