UMANGAT ang gilid ng labi ni Gelbirth nang hinila ni Analie ang sinturon nito. Naalis na niya kanina ang suot niyang pang-itaas at ngayon ay nakasuot na lamang siya ng chinos, ginagamit kapag nagsusuot siya ng formal attire. Natawa siya nang humaba ang nguso ng dalaga nang hindi nito mahubad ang sinturon niya, mabilis na pinulupot niya ang braso sa may bewang nito ng muntik na ito matumba dahil lumayo ito sa kanya. “Easy, leave it to me,” bulong niya sa tenga nito at sinandal ang dalaga sa may glass wall ng shower room, maliit lang ang space at malaki ang shower kaya’t abot pa rin ng tubig ang gilid. Mabilis na hinila niya ang kanyang sinturon at sinunod niya na ang kanyang chinos. Nang binalik niya ang tingin kay Analie ay nakapikit ito habang nakasandal sa glass wall. Naalis na niya kan