NAGDADALAWANG isip si Analie kung lalabas ba siya sa banyo o hindi. Kanina kasi nawala na naman siya sa wisyo at nagpadala siya sa gusto ng kanyang katawan at damdamin. Ngayong klaro na ang isip niya, dun niya lang napagtanto ng nakakahiya ginawa niya. Kung hindi pa kanina tumunog ang cellphone ng boss niya ay malamang kung saan-saan na naman napunta ang mainit natagpo nila. Tinampal niya ang kanyang noo. "Please lang self, huwag munang ipahiya pa ang sarili mo sa kanya, kahit pa sabihin natin inaakit tayo ni Gelbirth dapat huwag tayo marupok, okay? Okay!" Huminga siya ng malalim bago buksan ang pintuan. Naligo na siya sa loob, wala nga siyang pamalit na damit kasi hindi niya naman nilabhan iyong mga suot niya kahapon. "Mabuti pa ay, sabihin ko si Gel, na dumaan kami sa bahay para makaku