MEDYO hapon na nang makarating sila sa isla. Napatingin siya sa may karagatan, inalalayan na siya ni Gelbirth pababa sa may top deck ng mga sandaling iyon. “Sayang, hindi ko makikita ang paglubog ng araw, mas maganda pa naman pagmasdan ang paglubog ng araw kapag nasa dagat,” mahinang aniya. “We can stay here until sunset, if you want sweetheart.” Mabilis na nilingon niya ang lalaki na nasa likuran niya at nakatitig sa kanya ng seryoso. “T-talaga, Gel?” parang batang tanong niya. Gelbirth smiled at her and he nodded. “Oo naman, mamayang gabi pa naman ang birthday party ni Lola kaya ayos lang na manatili muna tayo rito,” sagot ni Gelbirth. “Pero baka hanapin ka ng Lola mo?” hindi niya maiwasang sabihin. Dinala ni Gelbirth ang kanyang kamay sa mga labi nito at marahan iyong hinagkan.