CHAPTER 6: PAST

1696 Words

Nakahilata lang ako ngayon sa kama dahil wala naman akong magawa at iniisip ko pa rin kung pa'no ko mapipigilan 'tong nararamdaman ko para kay Ethan. Ngayon pa nga lang na hindi pa 'ko hulog na hulog nasasaktan na 'ko nang sobra , pa'no kaya 'pag-nangyari pa yun diba?! Baka mamatay na 'ko sa sakit no'n 'no? Nakatulala lang ako sa kisame nang marinig ko ang katok ni Mama sa pinto. "Anak, may bisita ka sa baba!" sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Sino po?" pabalik na sigaw ko. "Ikaw na lang ang tumingin 'nak , bumaba ka na agad d'yan ha?" bilin niya pa at narinig ko na ang mga yabag niya papaalis. Kaya kahit tinatamad ako, ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon at bumaba. Nakakainis! Istorbo naman e'! Pagbaba ko sa sala ay may nakita akong isang bulto ng lalaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD