Farah's POV Lumabas na ko ng banyo at agad ko'ng nabungaran ang nakangising mukha ni Derrick na ngayon ay naka-upo sa kama. Ano na naman kaya ang iniisip ng mokong na 'to? Wala na siya’ng damit pang-itaas pero may kumot naman so okay lang siguro, hindi ko na siguro sisitahin, sanay na naman ako na lagi niya’ng ibinabalandra ang kanyang katawan. Lumapit ako sa may kama at inalis ko ang bag ko, inilagay ko yun sa may likod ng sabitan sa may pintuan. "Nice one babe, alam mo na kung saan mo ilalagay ang mga gamit mo kapag lumipat ka na dito!" Yan na naman, nagsisimula na naman siya sa kalandian niya, aba siyempre hindi rin ako papatalo. "Sino naman nagsabi sa'yo na ako ang lilipat, baka ikaw ang lilipat." Ang natatawang sagot ko sa kanya habang palapit na muli ako sa kama. Bahala na?!