Derrick's POV Hindi ko nagustuhan ang mga binitawang salita sa akin ni babe. I don't want to be mad, pero inuubos niya talaga ang pasensiya ko. Napakadami niyang sinabi, eh ang ayaw ko lang naman ay ang pag-inom inom niya ng pesteng pills na yon. Ayaw ko makipagtalo sa kanya kaya tinalikuran ko na siya at ready na ko umalis pero hinabol niya ko at pinigilan makaalis dahil hindi pa daw kami tapos mag-usap. I warned her because hangga't maari ayaw ko talaga magalit, pero Farah is Farah. Ang dami niyang sinabi, pati pala yung plano na pagtira sa bahay ng parents ko ay ayaw niya din, at ang pinaka hindi ko nagustuhan sa lahat ay bayaran ko na daw siya at bumalik na daw ako kung saan ako nanggaling at huwag ng magpakita pa sa kanya kahit kailan. Kalimutan na daw namin ang lahat lahat.