Farah's POV Hindi na naman natuloy ang pagpasok ko sa loob ng banyo dahil may kumatok na naman. Napapadalas na ang pagkatok ng mga tao sa unit ko ah unlike before na tanging si Derrick lang ang inaasahan ko na nasa likod ng pinto. Binuksan ko ang pintuan at dire-diretchong pumasok ang magaling na babae na 'to. Sinarado ko muli ang pinto at sinundan siya at aba dumiretcho agad sa may ref at binuksan 'yon. "Wow, may cake!" ang sabi niya at inilabas 'yon na parang sa kanya, tapos kumuha ng plato. Talagang plato talaga hindi platito? Pati na na din knife at tinidor. Binuksan niya ang box at nagliwanag ang mukha niya ng makita ang cake. "Wow, favorite ko 'to mocha cake." Ang sabi ng aking unexpected guest na nanguna na agad sa pangengeelam ng aking ref. Wow na wow din Ava, kakahugas ko