Farah's POV Sinusundan ko ng tingin ang ate ni Derrick, madami ito'ng kinakausap, at sa tingin ko ay hindi basta-basta ang mga taong 'yon. Mga high-profile person. Mukhang seryoso, istrikta at hindi basta-basta ang ate niya, malayong malayo sa happy go lucky personality ni Derrick. Hindi ko pa na background check ang tungkol sa ate niya, mamaya na lang siguro pagdating sa bahay. Naiinip na ko, dahil ang tagal naman magsimula ng party na 'to at sa sobrang inis ko ay nagpapadagdag ako ng bayad kay Derrick, pero ang nakakapagtaka eh hindi naman siya umangal bagkus ay nginisian niya pa ko. Wala ako'ng tiwala pag ganyan ang mukha niya, ano na naman kayang iniisip niya or should I say binabalak niya. Biglang dumating yung pinsan niyang Mayor, may kasama ito'ng dalawang magandang babae.