Farah's POV "Weird." Ang sabi ko at sumimsim ng alak. Hindi ko na alam kung ano ba'ng nangyayari, katatapos lang lumapit dito ng bagong kasal at nagpapasalamat sa gift daw namin ni Derrick?! Ano kaya 'yon? Baka naman nagkamali lang sila? Eh wala naman ako'ng dalang gift, bahala na si mama at papa panigurado naman ako magbibigay sila ng cash, 'yon naman kasi ang uso ngayon eh puro cash gift, voucher or travel ang kadalasan regalo, hindi na uso ang mga appliances or kung ano ano ma'ng bagay. Speaking papalapit si papa sa aming dalawa ni Derrick. "Iniiwasan mo ba ko Farah?" Ang agad na tanong sa akin nito. Fùck! Lagot na, nahalata na ko, kilalang-kilala talaga ako ni papa, pero siyempre need ko lusutan ito. "Papa talaga, nagtatampo ka ba? Sorry na." At kinapit ko pa ang kamay ko sa m