Derrick
"Umuwi ka na at may work pa ko!" Ang pagtataboy sa akin ni babe.
"Pwede ka naman mag-work na nandito lang ako babe ah, manonood na lang ako ng movie while you're working." Ang sabi ko sa kanya dahil wala naman ako'ng gagawin.
Literal na chill and relax talaga ang buhay ko ngayon tapos may kasama pa ko'ng babe, hay sarap.
Nakaupo kami ngayon sa maliit niya'ng sala na magkatabi dahil katatapos lang namin kumain ng breakfast kahit malapit ng mag-tanghalian.
Kinuha ko ang remote ng TV niya at binuksan 'yon.
Nilingon niya ako.
"Wow, ang sarap naman ng buhay mo, ako magta-trabaho tapos ikaw manonood lang ng TV!"
Inagaw niya sa akin ang remote at pinatay ang TV at tumayo sa may harapan ko at namewang. Nakakunot ang mga noo niya.
Ang cute talaga ng babe ko parang ang sarap buhatin at i-kiss.
"Labas!" Ang masungit niya'ng sabi at tinuturo pa ang pintuan talagang gusto niya na ko palabasin sa apartment niya.
"Ang sungit mo naman babe, may mens ka ba?"
Akmang hahampasin niya ko pero mabilis ako'ng nakalayo at nagpunta na sa may pintuan.
"Bye babe, see you later," nag flying kiss pa ko bago lumabas.
No choice kahit ayaw ko pa umuwi ay pinalayas na ko ni babe kaya balik ulit ako sa unit ko na katapat lang naman ng sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng apartment ko.
Hmmm ang meron lang dito ay isang single couch na naiwan pa ng huling umupa at bed mattress na nabili ko ng nangutang ako sa pinsan ko'ng si Brion.
Fùcking shìt! Ang lakas pala ng loob ko yayain si Farah dito sa loob eh wala pala kaming pupwestuhan.
Buti hindi pa pala siya nakakapasok dito sa loob, kung hindi ay wala kaming pupwestuhan.
Kailangan ko pala bumili ng mga gamit.
Kaya muli ako'ng lumabas sa apartment ko at muling kumatok sa pintuan ni Farah.
Thud thud thud...
"Ano na naman?" Ang masungit niya'ng bungad sa akin pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pintuan.
At hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakabakat niya'ng nìpple.
Kahit pa malalaki ang t-shirt ang mga sinusuot niya eh halata naman na malaki ang boobs niya.
Kailan ko kaya makikita at matitikman yan.
Fùcking shìt! Tinitigasan ako, si babe naman kasi may pasilip eh!
Kanina hindi naman nakabakat 'yon ah, hinubad siguro niya ang bra niya pagkalabas ko kanina.
"Oh, ano hindi ka na nagsalita, busy ako sabihin mo na kung ano'ng kailangan mo!" Ang muling sabi niya.
Fùcking shìt! napatitig pala ako ng matagal sa bandang boobs niya at napansin din niya.
Pak!
Ang hampas niya sa may noo ko.
"Yung mata mo, bwiset ka talaga, manyak!"
SLAM
Naisara na ni Farah ang pinto ng malakas bago ko pa man sabihin ang pakay ko.
Ako pa talaga manyak, eh kasalanan naman niya kung bakit nakabakat 'yon.
Hihiramin ko sana ang kotse niya dahil bibili ako ng mga gamit para sa apartment ko.
Buti na lang talaga nakabalik na si Ate Denise from abroad at syempre hindi niya ko natiis buti na lang pinadala niya sa'kin ang card niya at ang una ko'ng ginawa ay nilibre ko agad ng breakfast si babe kanina.
Kaya lang bad shot na naman ako pero hindi bale papasalubungan ko na lang siya mamaya para mawala ang inis.
Makapag-book na nga lang ng car app service.
Habang nakasakay sa binook kung car ride ay napaisip ako bakit card lang pala ang pinadala ni ate, mas importante pa din kung may cash ako'ng hawak.
Matawagan nga ulit si Ate Denise.
Ring ring ring....
Tagal naman sumagot.
Ring ring ring...
Ate Denise: Hello
Me: Kamusta na ang maganda at ang mabait ko'ng ate.
Ang lambing ko kay Ate Denise. syempre may kailangan ako.
Me: Cut to the chase, what the fùck do you want?
Derrick: I need some cash.
Kaya walang paligoy-ligoy ay sinabi ko na ang kailangan ko dahil mukhang mainit ang ulo ni ate.
Ate Denise: At gano'n gano'n na lang? Ano ba talaga kasing nangyari at napalayas ka ni dad.
Me: Gusto mo ba talaga malaman?
Ate Denise: Yes, pero huwag mo dito sa cellphone sabihin, busy ako, kung gusto mo'ng bigyan kita ng pera ay pumunta ka sa party sa makalawa sa De Grande B Vista Hotel.
Derrick: Diyan talaga ate? Baka makita ako ni dad lalo'ng ma-highblood 'yon sa'kin!
Si ate talaga, gusto pa talaga 'dun sa hotel namin eh, baka makita pa ko ni dad eh lalong magalit sa akin.
Ate Denise: Hindi siya maha-highblood kung may maipapakilala ka sa kanya na matinong babae.
Me: What do you mean, ate?
Ano na naman kaya naiisip nito ni master, yes master planner kasi yan si Ate Denise, magaling yan sa mga strategy.
Ate Denise: Basta sumunod ka lang sa akin, kung gusto mo'ng bigyan kita ng pera, pumunta ka sa party at magdala ng date at please lang yung matinong babae.
Me: Pero wala ako'ng pera.
Ate Denise: Exactly.
Me: Hindi ko naiintindihan.
Ate Denise: Huwag ka na masyado matanong, I'm busy. Ite-text ko na lang sa'yo ang other info. Bye
At agad nawala ang tawag,
Si Ate talaga hindi man lang nagba-bye, pinatayan agad ako ng tawag.
Magdala daw ako ng date, wala naman ako ibang maisip na pwede ko'ng isama kung hindi si Farah lamang.
Ang tanong paano ko siya mapapapayag?