Farah's POV Halos hindi na kami magkandaugaga ni Derrick sa pagbitbit ng mga dalahin namin partida tinulungan pa kami ng driver na iakyat ang mga iyon but we managed to do it at ngayon nga ay nasa loob na kami ng apartment ko. Inilagay ko agad ang dalawang box ng cake sa ref pati na rin yung mga drinks na champagne at red wine, talagang kasya dahil literal na walang laman 'yon. Tapos yung mga pagkain ay pinagtatanggal ko sa paper bag at inayos ko na ng lagay sa lamesa. Nasa sala ngayon si Derrick at aba prente na ito ngayon naka-upo sa may sofa habang hawak ang remote ng TV habang ako dito ay aligaga sa pag-aasikaso. "Derrick baka naman gusto mong walisan yang sala." Ang sabi ko sa kanya dahil nakakainis lang na kararating lang namin ay nasa harapan na agad siya ng TV. So, ganito pal