Farah's POV "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, kaya ka lang nakatira dun sa apartment building dahil gusto ng parent's mo na maging independent ka? Like really, c'mon may mas malalim na dahilan, may ginawa ka for sure." Ang sabi ko kay Derrick dahil hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi niya. "Bakit hindi ka ba naniniwala sa akin, 'yon nga lang ang dahilan." Ang casual na sagot niya and then sabay dampot sa baso ng alak at sumimsim. Hindi talaga ako convince sa sinasabi ng mokong na 'to. "Eh bakit yung kapatid mo, ilan ilan pa yung security na kasama?" Another question ko sa kanya, kung sinasabi niya na gusto ng parent's niya na maging independent siya eh bakit 'yong kapatid niya parang hindi naman apektado or whatever. "My sister is an established businesswoman, and hindi siya n