Farah "Bakit nakangiti ka?" Ang sita sa akin ni mama. Walang hiya, hindi ko pala namalayan na naka-smile pala ko habang nakatingin sa cellphone. Bwìset kasi talaga ang mokong na 'yon! Ang galing talaga magpapansin. "Wala, may nabasa lang ako na meme sa peysbuk at natawa lang ako." ang sagot ko kay mama. "Oh, siya sige magkita na lang tayo sa kasal ni Nelly," at may inabot pa ito sa akin na eco bag. "Ano 'to ma?" Ang tanong ko sa kanya dahil kung ito ay give-away ay nakakuha na ako kanina. "Yung mga mini sandwiches at cupcake yan pinabalot ko at sayang, i-uwi mo na at parang nangangayayat ka ata!" Ang daming sinabi pwede naman sabihin na 'nak i-shinaron kita ng food. Since free food ay ayos at iuuwi ko talaga yan. . . . . . . . Pagkaakyat ko ng hagdanan ay namataan ko agad