Farah's POV "I plan to love you for the rest of my life." Ang sagot niya sa akin sabay halik sa kamay ko. Binawi ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, dahil hindi ko nagustuhan ang naging sagot niya like what the fùck?! Ano kikiligin na ba ko? Okay lang sana kung naglalaro pa kami pero seryosong usapan na ito. Hindi ko na masasakyan ang trip niya dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Kinabukasan namin ang nakasalalay dito. Iyon lang ang plano niyang gawin sa buhay like literally. "Derrick, please naman seryoso ako sabi eh," ayan tuloy napapamaktol na ko parang gusto ko ng umiyak pero bago ang lahat gutom na ko kaya nilagyan ko na ng pagkain ang kutsara ko at nagsimula na ko'ng kumain. Mamaya ko na nga lang siya kausapin ulit pagkatapos kumain dahil hindi siya maayos kausap,