Farah's POV "My name is Milo Ma'am, ako po ang itinalaga na magbantay ng inyong seguridad." Ang magalang niyang sabi. Kailan pa ko nagkaroon ng personal bodyguard? Wala ako'ng maalala na pinag-usapan namin ni Derrick ang tungkol sa bagay na 'to. Kung may bodyguard na ako, it means nakabantay siya or nakasunod siya tuwing aalis or may pupuntahan ako. What the actual fùck?! Wala naman ako nagawa kung hindi gamitin ang aking fake smile technique, hindi ko naman pwedeng sungitan ito si Milo, dahil napag-utusan lang naman siya. Sakto naman ay dumating na din 'yung nag-deliver ng laptop, ipinasok ko lang saglit ang pagkain, at ni-received ko na agad. Si Milo naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng pintuan ko, like ano babantayan talaga niya ko. Nasira kasi yung peephole door bell camer