Farah's POV "Okay." Ang matipid niyang sagot pero nakangisi pa din. Hindi naman masyadong halata na masaya siya. Tuwang tuwa yarn! Sa dami ng sinabi ko ay 'yun lang ang sagot niya. Natapos na kami kumain, at nagsimula na ko maglipit ng pinagkainan namin. Nasa lababo na ko ng lumapit si Derrick sa'kin, kinakausap ako habang naghuhugas ako ng pinggan. Kababalik niya galing sa unit niya, sabi niya ay kumain na daw pala ang dalawa, dahil anong oras na din, bumili na lang daw sila ng luto sa labas. Hindi ko alam pero parang ako ang nahiya. Tama nga si Derrick atleast kung 'dun kami sa bahay nila ay may mga quarters sila at hindi ako mag-aalala ng ganito. Kaya ayoko ng madaming kasama eh, nadadagdagan ang isipin ko sa buhay. Nagpresinta pa si Derrick na tulungan daw niya ko pero tumang