Farah
Buti naman lumabas na ang buraot.
Agad ko'ng tinanggal ang bra na suot ko para mapreskuhan ako, isa rin 'yon sa dahilan kaya gusto ko na siya'ng palabasin at syempre para makapagtrabaho din ako ng maayos.
Ano'ng akala niya porket nilibre niya ko ng almusal eh pwede na siya'ng tumambay dito maghapon?!
Aba ang asarap naman ng buhay niya.
Agad na ko umupo sa harap ng aking working desk, nasa tabi yun ng TV nakapwesto, so ano'ng sinasabi niya na manonood siya habang nagwo-work ako?
Siraulo ba siya, paano ako makakatrabaho ng ayos kung nakabukas ang TV sa gilid ko sabagay pwede naman ako maglagay ng headset pero NO, ano ako pa mag-a-adjust?!
Since busog na ako ay ready to work na.
Pumwesto na ko ng upo, binuksan ko ang aking laptop at nag-log in sa website kung saan natambay ang mga freelancer.
Ito ay website kung saan ang mga clients ay nagpo-post ng various types of jobs that can be done remotely, akmang akma sa tulad ko na ayaw magtrabaho onsite or pumasok sa opisina araw-araw.
Thud thud thud...
Okay, that's it.
Agad ako'ng tumayo para harapin siya.
Alam ko naman na siya lang naman ang nakatok eh wala namang iba.
"Ano na naman?" Ang agad na sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pintuan.
Hindi naman siya sumagot agad at nanatili lang nakatayo sa harapan ko.
Aba, wala talaga siya'ng magawa at talagang puro pangungulit lang ang alam na gawin.
"Oh, ano hindi ka na nagsalita, busy ako sabihin mo na kung ano'ng kailangan mo!" Ang muli ko'ng tanong sa kanya.
Hindi na naman siya sumagot pero napansin ko na nakatingin siya sa may bandang dibdib ko.
Pak!
Agad ko'ng hinampas ang noo niya.
Tang-inang mata yan.
"Yung mata mo, bwiset ka talaga, manyak!" Ang sabi ko sa kanya sabay...
SLAM
Pinagsaraduhan ko siya ng pinto.
Pasalamat siya at sa noo ko lang siya hinampas dapat pala ay tinusok ko yung mata niya.
Bwisit talaga ang mokong na 'yon pero deep inside alam ko na may kasalanan din ako, nakalimutan ko na nagtanggal pala ako ng bra pero NO, ano ako na naman mag-a-adjust?!
Muli na ko'ng bumalik sa aking working desk para maghanap ng project.
Scroll, basa, scroll, basa. scroll, basa and boom may nakita ako'ng project na madali-daling gawin kaya agad agad ay nag-place ako ng bid, sana ako ang mapili dahil napakadali lang naman ng pinapagawa, convertion lang ng file sa another software.
Agad naman nag-reply ang client and my bid is accepted, yes magkakapera na naman ako.
Pinadala na din ng client ang mga project files material na kakailanganin ko.
Binasa ko ang mga instruction ng client and then sinimulan ko ng gawin and viola wala pa'ng one hour ay natapos ko na agad ang project.
Easy Peasy.
Pero syempre kahit na mabilis ako'ng matapos ay hindi ko muna agad i-sesend mag-wait muna ako ng isa pa'ng oras, mahirap na baka tawaran pa ko, hirap pa naman mag-compose ng english message sa email at mga foreigner ang client.
Tumayo ako para pumunta sa ref para kunin ang iced coffee.
Time to chillax.
Umupo na ko sa sofa habang hawak ang iced coffee, kukunin ko na sana ang remote ng TV pero bigla naman nag-ring ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone para tignan kung sino ang natawag.
Mama is calling...
Pinapanood ko lamang ang pag-ring nito.
Ayoko'ng sumagot ng tawag lalo na kung si mama dahil panay sermon na naman ang matatanggap ko.
Hindi niya kasi maintindihan kung paano ang set-up ng work ng isang freelancer.
Para sa kanya mas maganda daw kung may permanenteng trabaho ako, pumapasok araw-araw sa opisina, may social interaction sa mga iba't-ibang klase ng tao.
No way, pwede ko naman gawin sa bar 'yun, bakit sa office pa?! Pero syempre hindi ko naman pwedeng sabihin kay mama 'yon.
Makapag-scroll na nga lang sa soc med ng bigla na naman nag-ring at aksidente ko'ng na-swipe ang accept call.
Ano ba yan?! No choice kailangan ko ng kausapin si mama.
Me: Hello Ma!
Mama: Himala at sinagot mo ang tawag ko.
Alam naman pala niya'ng hindi ako nasagot ng tawag pero tawag pa din siya ng tawag.
Me: Busy ako, may work ako'ng ginagawa.
Ang sabi ko while drinking iced coffee like na kunwari busy talaga ako.
Mama: Paano ka naman magiging busy eh nasa bahay ka lang maghapon. Hindi ko na alam ang gagawin sa'yong bata ka. Kasalanan 'to ng papa mo eh, dapat hindi ka namin pinayagan bumukod hanggang hindi ka pa nag-aasawa.
At ito na naman kami kahit limang taon na ko'ng nakabukod ng tirahan eh inuulit-ulit pa din niya 'yang issue na 'yan.
Me: Ma, ilang beses ko ba'ng i-e-explain kahit nasa bahay lang ako eh may trabaho din ako, 'yon na ang uso ngayon.
Mama: Bakit nga ba nag-aaksaya pa ko ng panahon eh hindi ka rin naman nakikinig na bata ka, anyway kaya ako napatawag ay para ibalita sa'yo na ikakasal na 'yon pinsan mo'ng si Nelly at kailangan pumunta tayo, ise-send ko sa'yo ang invite and please huwag mo'ng sasabihin na busy ka dahil holiday sa araw ng kasal niya.
Me: Ma, walang hali-holiday kapag freelancer, it depends talaga kung may papasok ako'ng project and ano nga'ng ulit sabi mo si Nelly ikakasal na eh ang bata pa nun ah!
Mama: Hindi na siya bata, nasa tamang edad na siya and speaking of tamang edad ikaw ba ay may balak mag-asawa?
Okay?! Bakit naman nalihis ang usapan tungkol diyan.
Mama: Sa ginagawa mo sa buhay mo sa tingin ko ay wala ka'ng balak mag-asawa.
Judgemental yan! Maasar nga.
Me: Ma, hindi ka ba natutuwa nakaligtas ako sa teenage pregnancy.
Mama: Oo nga nakaligtas ka pero mukhang hindi ka makakaligtas sa pagiging matandang dalaga.
Whoa, mukhang ako ang naasar ah!
Mama: Alalahanin mo na sa lahi natin yan, huwag ka'ng gumaya sa Tita Brenda mo and ayaw ko na kung ano-ano naman excuse mo kung bakit hindi ka pupunta, sige na itetext ko na lang sa'yo ang details.
At nawala na ang tawag.
Takutin pa talaga ako na baka hindi ako makapag-asawa.
Napailing-iling na lamang ako bago inumin ang iced coffee na hawak ko ng maalala ko ang taong bumili nito.
Huh, bakit ko ba naisip ang mokong na yun, eh may kasalanan pa siya sa akin!
Ban na talaga siya dito, hindi ko na talaga siya papapasukin dito sa loob ng apartment ko.