Farah's POV Natatawa lang ako sa aking sarili habang naglalakad pauwi, dahil 'yong dahilan ko kay Ava na mag-walk exercise ay talaga palang gagawin ko. Naisip ko kasi na totoo naman na malapit na lang naman talaga ang apartment building mula sa pharmacy kaya lakarin ko na lang talaga para pampababa na din ng kinain dahil sa totoo lang ay medyo hindi pa okay pakiramdam ko, feeling bloated pa din ako dahil sa dami ba naman ng kinain ko. Papasok na sana ako sa apartment building ng what the fùck?! Natanaw ko lang naman ang kotse ko sa gilid ng building, may vacant space kasi dun kung saan pwede mag-park ang mga tenant. Agad ako'ng lumapit dun at inopen at pumasok sa loob. Napahawak ako sa manibela at napasabi ng "Thank you, Lord." Akala ko talaga ay pati ito ay mawawala pa sa akin. B