Farah's POV Halos napatunganga naman ako sa balitang sinabi niya. What the actual fùck?! "In three days?" Ang tanging nasabi ko. Oo, alam na naman ng lahat ng enganged na sila pero in three days talaga? "Yeah, I know, dapat nga ay civil lang pero para pagbigyan ang senior citizen of the Philippines, ay pumayag na ko na magkaroon ng ceremony, pero intimate garden wedding lang naman, tanging family at close friend lang ang invited, tsaka nung last week pa ko nag-send ng chat sa'yo. Parents namin ang nag-insist na gawin na ang lahat bago pa daw lumaki ang tummy ko." "Eh bakit hindi mo ko tinawagan?" Ang reklamo ko pa dahil nakakagulat talaga ang balita na sinabi niya pero narealize ko hindi ko pa pala siya kino-congratulate. Agad ko siyang niyakap at binulungan. "Congrats, finally."