Farah's POV Nakapasok na kami ni Derrick sa reception at agad namin hinanap kung saan kami pupwesto ng upo. Hay salamat po, ang muli ko na naman saad sa aking isipan pagkaupong pagka-upo, dahil atleast mapapahinga na naman ang paa ko. Buti naman hindi ito yung traditional na wedding na hiwalay ang sitting arrangement ng mga abay sa iba pang bisita dahil kung hindi ay lalo na ko'ng na out of place dahil hindi ko naman kakilala yung ibang mga bridesmaid. Hindi pa man ako nakaka-five minutes ng upo ay may lumapit na sa akin at may sinabi na need daw ng presence ko dahil may gagawin pa daw ang mga abay kung saan isa-isa kaming magmamartsa papasok at pagkatapos ay kasunod naman namin ang bride at groom kumbaga parang entrance daw, part of the program mga gano'n daw. What the fùck! Ano ba y