Farah's POV Naglakad ako pabalik sa kanya. "Kukumbinsihin ko yung security na wala ka dito sa loob, tapos bahala ka na kung paano ka makakapuslit, tapos puntahan mo ko sa malapit na convenience store, tawid lang yun ng hotel na ito, doon kasi ako nag-park dahil valet parking lang dito at since hindi naman ako guest dito sa hotel ay hindi naman libre iyon at ayaw ko'ng magbayad, hihintayin kita sa loob ng ten minutes, kung hindi ka makadating ay hindi na kita mahihintay, so goodluck sa'yo." Ang sabi ko dahil 'yon lamang ang naiisip ko'ng paraan kung paano siya makakalabas dito. Nagmadali na ko lumabas at need ko din kumbinsihin ang dalawang security na wala si Adrianna sa loob. "Umalis na kayo diyan sa may pintuan ng ladies room dahil wala 'yong taong hinahanap niyo sa loob." Pero ang