Farah's POV Ma'am, aalis po ba kayo?" Tàng-ina naman oh, tinawag pa talaga ako'ng Ma'am sa mismong harap ni Ava. Paano ko lulusutan 'to? "Ah Milo, pwede 'yung pagkain na nakalagay sa brown paperbag sa loob pakikuha na lang, dalhin mo na sa loob ng unit ni Derrick please." Ang utos ko dito. Napatingin naman si Ava sa akin ng dahil sa sinabi ko, habang si Milo naman ay pumasok na sa loob ng apartment ko. Nakita ko pa ang pagtingin ni Ava kay Milo habang napasok ito sa loob ng may pagtataka. "Ah, si Milo 'yun pinsan ni Derrick, alam mo naman may pagka-bossy ako kaya Ma'am ang tawag no'n sa'kin." Ayan na naman ako sa mga wala ko'ng kwentang alibi. "Right." Ang sagot ni Ava pero parang halata sa mukha niya na hindi siya convince, at kailangan ko na talaga siya ipagtulakan na umalis at