Derrick's POV
Bumili ako ng king size bed at 55-inch TV, at aircon, tamang tama yun sa loob ng apartment ko para kapag niyaya ko mag-chill si babe ay ayos na ayos.
Bibili pa sana ako ng sala set pero huwag na mas maganda kung nasa kama kami habang nanonood ng TV para mas madali ako'ng makagawa ng diskarte moves sa babe ko.
Bukas pa daw ang delivery ng mga pinamili ko.
Excited na 'ko, paano ko kaya siya mapapayag na tumambay sa unit ko, pero bago ang lahat ang dapat unahin ko muna ay kung paano ko siya mapapayag na sumama sa akin bilang date ko sa party na sinasabi ni Ate Denise.
Wala na naman ako'ng ibang gagawin dito kaya uuwi na ko pero bumili muna ako ng donut para peace offering sa aking babe.
Sana makalimutan niya na yung kanina.
Bakit ba kasi nakabakat 'yon? Kasalanan naman niya eh tapos siya pa yung magagalit.
Bitbit ko ang isang box na may lamang one dozen donut at palabas na ko sa mall ng makasalubong ko si Jasper, school mate ko nung college.
"Pare musta, ano ng balita, wow pamilyado ka na?" Ang tanong nito sa'kin sabay tingin sa donut na hawak ko.
"Wala pa pre, para sa girlfriend ko 'to," ang sagot ko kay Jasper, inadvance ko na agad, pasasaan ba eh magiging girlfriend ko rin naman si Farah.
"Nice, you know what?" Inabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag.
"Buti na lang pala nagdala ako ng extra," ang sabi pa niya.
Tatlong maliit na paper bag kasi ang hawak niya.
Tinanggap ko naman yun at sinilip ang loob.
"Ano 'to pre?" Ang tanong ko dito.
"Chocolate yan pre, basta kainin niyo ng girlfriend mo yan, pero dapat kayo lang dalawa ah tapos balitaan mo na lang ako kung ano'ng nangyari, basta bigyan mo ko ng review, friends naman tayo sa mga soc med 'di ba, oh siya sige pre may nag-aantay kasi sa'kin eh."
Ayos chocolate pala pero hindi ko ma-gets yung sinabi niya na bakit dapat dalawa lang kami ang pwedeng kumain pero hindi na siguro importante 'yon mahalaga naka-libre ng dagdag pasalubong kay babe.
Nakipag-fist bump pa ito sa akin at naghiwalay na kami ng landas, ako ay palabas na habang siya ay naglakad na at paakyat na ng escalator.
Hanggang sa nakalabas na ako ng mall. Mabilis din naman ako'ng nakapag-book ng car ride hanggang sa naglalakad na ako paakyat sa hagdanan ng tinutuluyan ko'ng apartment.
Papasok na sana ako ng biglang narinig ko ang malakas na sigaw ni Farah kaya agad ko'ng kinatok ang pintuan niya na katapan lang din naman ng unit ko.
Thud thud thud...
"Babe, what's happening?"
Thud thud thud...
.
.
.
.
.
.
.
.
Farah's POV
So, mag-isa na naman ako, panget talaga ka-bonding ni Ava dahil umalis agad.
Pusta sa susunod hindi na talaga yan pupunta dito dahil mag-aasawa na at ang matindi gusto na agad magka-baby, talagang bubuo na ng pamilya.
Taga sana all na lang talaga ako.
Na-received ko naman ang message ni mama, picture 'yon ng invitation sa kasal ng pinsan ko.
Alam na alam talaga ni mama na gagawa na naman ako ng rason para hindi maka-attend kaya inunahan na naman niya ko.
Ayoko kasi umaattend sa mga family event na yan, makikita ko na naman yung mga kamag-anak ko na walang ibang itanong sa akin kung kailan ba ko mag-aasawa.
Taon-taon na lang nila yan tinatanong sa akin tuwing nagkikikita kami, kaya ayoko pumunta.
Ang hirap magpanggap na mabait.
Kahit gusto ko na silang sagutin at barahin ay pinipigilan ko ang sarili ko dahil kapamilya eh, ang tanging nagagawa ko na lamang ay ngumiti ng ngumiti, hmm mukhang kailangan ko na naman ipraktis 'tong panga ko at mapapasabak na naman ako sa matinding ngitian kapag pumunta ako doon.
Tumayo na ko para iligpit ang pinag-inuman ko dahil hindi naman tumagay si Ava, pinanood lang niya ko tumungga, literal na nakinig lang sa kwento ko.
After ko'ng maglipit sa kusina ay nakaramdam ako ng pananakit sa puson ko, naisip ko na baka may mens ako kaya napagpasyahan ko na magpunta sa banyo para i-check.
Meron na nga ako, may sa demonyo din ang bibig ni Derrick ah katatanong niya lang sa akin kanina kung may mens ako at ito nga meron nga at since need ko na din naman magpalit ay dumiretcho ligo na ko.
Nang matapos na ko maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya at binuksan ko ang bathroom cabinet, nasa may taas 'yon ng salamin sa may lavatory.
Ay putik wala na ko'ng napkin!
Tanging balat na lamang ng packaging ang nandito, nakalimutan ko pala bumili!
Hindi bale, pwede naman pantyliner na lang, doble doblehin ko na lang para hindi tumagos ang mahalaga may ipangtatapal lang ako saglit, sandali lang naman ako lalabas para bumili.
Nang chineck ko ang pantyliner.
"Ahhhhhhhh!"
Napasigaw ako sa inis ko dahil sa katangahan ko, meron nga pero iisa na lang, hindi kakayanin ng tagos 'to.
Hindi naman kasi ako palaging nagamit nito, kapag umaalis lang ako ng bahay naglalagay.
Thud thud thud...
"Babe, what's happening?"
Thud thud thud...
Kagulat naman ang sunod sunod na pagkatok ni Derrick, napaisip tuloy ako na gano'n ba talaga kalakas yung pagsigaw ko kanina!
Bahala siya sa buhay niya may kasalanan pa siya sa akin pero wait kailangan ko ng help niya pwede ko pala siya utusan bumili ng napkin dun sa malapit na mini grocery.
Nagmadali ako lumabas ng banyo, dumiretcho ako sa kwarto habang naririnig ko pa din ang katok ni Derrick.
Kinuha ko ang wallet ko na nakapatong sa nightstand, binuksan ko 'yon at kumuha ng isang daan, at pagkatapos ay lumabas na ko para naman pagbuksan ang OA na si Derrick na hanggang ngayon ay wala din tigil sa pagkatok.
Binuksan ko ang pintuan.
Nakita ko si Derrick na may bitbit na isang box ng donut at isang maliit na paper bag.
"Babe ano-" Bago pa man siya matapos sa kung ano man ang gusto niya'ng sabihin ay agad ko'ng kinuha ang mga bitbit niya at pagkatapos ay pilit ko'ng inipit sa palad niya ang isang daan.
"Emergency lang, pakibili ako ng napkin with wings dun sa malapit na mini grocery, " Ang utos ko sa kanya sabay sara ko ng pinto.