Farah's POV Ibinalik ko na ang driver's license ni Derrick sa kanyang wallet ng bigla na naman nag-ring ang cellphone ko. Malamang si Derrick na naman 'yan, kasi kung si mama naman ay parang malabo dahil halata na may tampo pa 'yun sa akin tsaka ang huling message niya sa akin ay hintayin na lang daw nila ni papa 'yung invitation sa kasal namin ni Derrick, halatang may tampo pa so hindi 'yun tatawag. Tinatamad ako'ng tignan ang cellphone ko, mamaya na nga yan, kasi kapag nahawakan ko ang cellphone na yan panigurado wala na ko'ng ibang magagawa. Hindi pa ko tapos sa mga ginagawa ko, pumunta ako sa cabinet ko para ayusin ang damitan ko. Napapangiti ako mag-isa habang gumagawa ng space para paglalagyan ng damit ni Derrick. Nababaliw na naman ako. Oh, yaan ah nag-start na ko mag-effort