Derrick's POV Nagising ako mula sa ingay na nagmumula sa aking cellphone. Napa-smile naman ako sa ayos ng pwesto namin ngayon ni babe, ng asawa ko. Nakayakap sa akin si Farah Babe. Ang binti niya ay nakadantay sa isa kong hita. Istorbo naman ang natawag na 'yon oh! Ang sarap sarap ng pwesto namin dito. Ang sweet sweet pa ng babe ko at nakayakap sa akin habang tulog, kapag nagising 'to mamaya hindi na ko sure kung ganyan pa din siya. Hinayaan ko lang na mag-ring ng mag-ring ang cellphone hanggang sa mawala pero maya maya ay nag-ring na naman at pinabayaan ko na naman ulit hanggang sa muli na naman nawala ang tawag at hindi na muling nag-ring pa. Buti naman hindi nagising ang babe ko kahit naka-ilang ring na ang cellphone ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang ganda ganda niya at ang