Derrick's POV
Ilang beses na ko kumakatok ng sa wakas ay....
Binuksan niya ang pintuan at ngayon naman ay bagong ligo lang siya at nakatapis lang siya ng puting tuwalya.
Kitang kita ko na medyo may basa-basa pa sa magkabilang braso niya.
Ano ba yan babe, kanina may pabakat, ngayon naman ganito ang ayos niya.
Agad ako'ng nagsalita, baka madagdagan pa ang kasalanan ko kung titigan ko na naman siya pero sa totoo lang she's so fùcking hot right now.
"Babe ano-"
Hindi ko na natapos kung ano ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya kinuha ang mga bitbit ko.
Oo, para sa kanya talaga 'yon pero hindi ba siya makaantay na ibigay ko muna bago niya kuhanin.
Hay, ano ba naman ugali yan babe pasalamat ka mahal kita.
Nagulat pa ko sa sumunod na ginawa niya, sapilitan niya'ng inipit sa palad ko ang isang daan.
Akala ko pa naman hahawakan niya ang kamay ko at yayayain pumasok sa loob 'yun pala ay uutusan lang niya ko at ang masaklap pinagsaraduhan na naman ako ng pinto.
Napakamot tuloy ako sa batok.
Wala na ko'ng nagawa kung hindi bumaba ulit para pumunta sa mini grocery para bilhin ang pinabibili niya.
Hanggang sa nakarating na ko sa mini grocery na malapit lang sa tinutuluyan naming apartment.
.
.
.
.
.
.
.
.
Farah's POV
SLAM
Sinarado ko agad ang pinto para hindi siya makaangal sa ipinag-uutos ko.
Napangiti naman ako habang nilalagay sa ref ang donut na dala niya, sinilip ko at inilabas kung ano ang laman ng maliit na paper bag.
Chocolate, hmmm nice. Ibinalik ko ulit yun sa paper bag. At iniwan lang sa ibabaw ng kitchen counter.
Nang napansin ko ang ayos ko.
Oh, my fùcking God! Nakatapis lang pala ako ng tuwalya, at humarap ako kay Derrick na ganito ang itsura ko.
Agad ako'ng pumunta sa kwarto para magbihis except sa pang-ibaba dahil need ko ng napkin bago ako makapagbihis.
Nagsuot ako ng bra at t-shirt while nakatapis pa din sa may bandang bewang ko ang tuwalya.
Hindi ako maka-upo at ayaw ko tagusan hirap pa naman maglaba.
Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko, lilibangin ko muna ang sarili ko while waiting kay Derrick.
Tagal naman niya, sa baba lang yung mini grocery tapos konting lakad lang.
.
.
.
.
.
.
.
Derrick POV'S
Nasa tapat ako ng shelf kung saan makikita ang iba't-ibang klase ng sanitary pad.
Babe naman ang dami pala nito, iba't-ibang brand.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatitig sa shelf ng may marinig ako na dalawang babae na dumaan sa likod ko at nagtatawanan.
Fùcking shìt, bahala na, basta dumampot lang ako ng isang pack at agad na nagpunta sa checkout counter.
Buti na lang hindi mahaba ang pila kung nagkataon nakakahiya at madami pa'ng nakakakita na bitbit ko ang bagay na ito.
Lakas talaga ni babe sa'kin, siya lang ang tanging babae na nakagawa at nakapag-utos sa akin ng ganito.
Ini-scan na ng cashier ang napkin at nagbiro pa siya sa akin.
"Ang sweet naman ni Sir," ang sabi niya na todo smile pa, wala naman ako nagawa kung hindi mag-smile back.
Binigay ko ang isang daan at sinuklian niya ko ng mga barya, hindi ko na binilang basta isinuksok ko na lang banda sa bulsa ko.
Inilagay naman ng cashier sa brown paper bag ang napkin na binili ko.
Agad ako'ng nagmadali maglakad para makalabas na at baka mamaya ano pa'ng sabihin ng cashier na 'yon.
Naglalakad na ko pabalik sa apartment building namin ng bigla ko nakita ang isang food kiosk.
.
.
.
.
.
.
.
.
Farah's POV
Binalikan ko muli yung invitation na sinend ni mama and kaya pala need ko pumunta ay isa pala ako sa list ng bridesmaid, kagaling naman hindi man lang ako inabisuhan basta na lang inilagay ang name ko kahit pa sabihin na kamag-anak ko ay dapat need pa din ng permiso ko, bakit ba ganito ang mga tao ngayon walang common sense, muli ko'ng binasa ang list ng entourage ng may mapansin ako na pangalan na nakalagay sa Groomsmen.
Dominique Ferrer
What a small fùcking world kung siya ba ito.
Hindi ako nag-aksaya ng oras, nag-scroll ako sa cellphone ko, hinanap ko agad ang profile ng pinsan ko'ng si Nelly and from there hinanap ko yung mapapangasawa niya and from there agad ko'ng nakita sa may profile niya and agad ko nakita na 1 mutual friend lang kami.
Confirm, it's fùcking Dom!
Oh, my fùcking God! Makikita ko na naman ang hinayupak na 'to.
Hindi na ako pwede mag-excuse at sinabihan na ko ni mama, at isa pa abay din ako!
Thud thud thud...
Ay putik! Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa gulat sa ginawang pagkatok ni Derrick.
Inilapag ko muna ang cellphone kung saan at lumapit na ko para pagbuksan siya.
Dalawang brown paper bag ang hawak niya.
Akmang kukunin ko na pero bahagya siya'ng lumayo para hindi ko makuha ang mga dala niya, at bakit dalawang brown paper bag ang dala niya, isang balot lang naman ng napkin ang pinabili ko ah.
"Papasukin mo muna ako tsaka ko 'to ibibigay sa'yo!"
At aba may kondisyon na siya ngayon.
"Paano kung ayaw kita'ng papasukin?" Ang mataray na sagot ko.
"Edi akin na 'to", at tinalikuran niya ako at papunta na siya sa tapat ng unit niya.
Mukhang mauutakan ako ng mokong na 'to, pasalamat siya kailangan ko talaga ng napkin.
"Derrick! Ano ba kailangan ko ya'ng napkin na yan, sige na pumasok ka na bilis!" Ang pasigaw at pagalit na tawag ko sa kanya.
"Yes!" Ang sabi ng mokong na todo smile pa.
Humanda ka sa'kin mamaya sa isip-isip ko.
Pumasok na siya at sinara ko ang pinto.
"Akin na," ang utos ko sa kanya.
Ini-abot niya ang dalawang brown paper bag at napansin ko na medyo mainit ang isa.
Kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon para i-check ang binili niya.
"Derrick, Ano 'to?" Ang naiinis ko'ng sabi sa kanya dahil binilhan nga niya ko ng napkin pero yung walang wings at yung isa naman literal na chicken wings pala kaya pala ang init.
Naka-upo na siya ngayon sa may sala ko, hawak ang remote ng TV at ready na manood.
Nilingon niya ko para sagutin ang tanong ko.
"Pad and wings, sabi mo 'di ba? Kulang pa nga yung padala mo'ng pera eh nag-abono pa ko, pero don't worry sagot kita babe!" Sabay kindat niya sa akin.
Napailing-iling na lamang ako habang nagpipigil ng inis sa lalaking ito.