Farah
Nandito ngayon si Ava sa loob ng aking apartment.
Buti naman ay naisipin niya'ng dalawin ako.
Grabe siya nag-propose lang si Ben sa kanya hindi na nagparamdam, tatlong araw ko ata siya'ng hindi naka-usap.
Malamang nauna na ang honeymoon nilang dalawa.
Iniinom niya ngayon yung isang pa'ng iced coffee na nilagay ko sa ref kanina.
Tignan mo 'tong babae na 'to isa din eh, feel at home din masyado dito sa loob ng apartment ko.
Pagkapasok niya kanina ay dumiretcho din sa ref although nagpaalam naman siya kung pwede niya yun inumin at nag-okay naman ako.
Bakit ba ganito ang mga taong napasok dito, kung makaasta kala mo eh ka-room mate ko.
"Grabe ka Ava, tatlong araw ka hindi nagparamdam ah, teka tignan ko nga lakad mo, diretcho ba?" Ang pang-aasar ko sa kanya.
Nakaupo kami ngayon dito sa sala.
"Parang tanga 'to," Ang sabi niya at namumula pa ang pisngi.
Mapapa-sana all ka na lang talaga, sagana sa dilig yan!
"Kwento mo na dali, mukhang napasabak ka sa sѐx marathon!" Ang natatawa ko'ng sabi sa kanya na may halong pang-aasar.
"Alam mo napag-isip isip ko ang daya mo eh gusto mo magku-kwento ako sa'yo pero ikaw wala ka na naman kinukwento sa akin."
Huh, ano naman ikukwento ko sa kanya eh wala naman dapat i-kwento?
"Ano'ng sinasabi mo diyan?" Sagot ko sa kanya.
"Totoo naman ah, alam mo ang dating history ko pero yung sa'yo hindi ko alam. Alam ko naman na hindi lang ako ang friends mo pero wala ako'ng naaalala na nagkwento ka sa'kin tungkol sa boys."
Wow naman, ano'ng meron sa araw na 'to, kanina si mama na kausap ko pinaparatangan ako na wala daw ako'ng balak mag-asawa tapos ito naman ngayon si Ava at lalo ako'ng nagulat sa sumunod na sinabi niya.
"Tibo ka ba?"
What?! Bakit naman niya natanong 'yon.
"Don't worry, tanggap kita kahit ano ka pa!" Dagdag pa niya sabay inom ulit ng iced coffee.
Hindi ko alam kung nagjo-joke ba siya sa mga pinagsasabi niya or what at medyo nainsulto ako ng konti.
Kinuha ko ang iced coffee na iniinom niya, tumayo ako at tinapon ko ang laman sa lababo.
"Ano'ng trip yan Farah, ito naman di ma-joke, alam ko'ng straight ka, pikon yarn!" Ang napapailing na sabi sa'kin ni Ava.
Nagpakawala naman ako ng pekeng tawa at dahil nagjo-joke pala siya pwes hindi ako natutuwa.
"Hindi akma 'tong iced coffee na 'to sa gusto mo'ng pag-usapan natin." Sabay shoot ko sa trash can ng cup.
Pumunta ako sa may ref at kinuha ang bote ng vodka.
Pumuwesto naman si Ava ng upo sa may kitchen counter at inilapag ko dun ang bote ng alak
"Huh?! Seryoso ka talaga gusto mo talaga i-kwento ko sa'yo yung naka-fling ko dati?" Ang sabi ko sa kanya habang kinukuha ko sa wall cabinet ang dalawang shot glasses.
"Wow, seryoso may naka-fling ka na dati, gusto ko yan sige game." Ang sabi niya na tuwang tuwa sa sinabi ko, gano'n ba talaga ako kadamot sa kwento, kasalanan naman niya, hindi rin naman siya nagtatanong sa akin so paano ko sasabihin.
"Grabe ka sa akin Ava ah, porket hindi mo 'ko nakita na in a relationship eh wala na ako'ng experience." Ang sagot ko sa kanya pagka-upo ko.
Tapatan ang pwesto namin, tinanggal ko na ang takip sa bote at sinimulan ko ng salinan ng alak ang dalawang shot glasses.
"Hindi ko alam na sѐxually active ka pala?" Ang sabi ni Ava habang inaabot ko sa kanya ang isang shot glass na may laman ng alak.
"Well, not at the moment!" Ang sagot ko sa kanya dahil 'yon naman ang totoo, wala naman kasi ako'ng makilala na serious na lalaki na pwede ko'ng gawin boyfriend ng sumagi sa isipan ko si Derrick.
Ano ba yan bakit ko ba siya naalala?
"Okay, so sino at kilala ko ba?" Ang curious na tanong sa'kin ni Ava.
Tang-ina paano ko ba 'to i-e-explain, nakakahiya hindi kasi ako proud sa ginawa ko eh hindi naman kasi ako kagaya niya na nagkaroon ng mga loving jowa kaya hindi ko kinuwento sa kanya pero this is it, hinihingi na ng pagkakataon sa no choice ako kailangan ko ng i-share sa kanya.
"Kilala mo siya, classmate natin nung college." Ang sagot ko sa kanya bago ko tinungga ang shot glass na may lamang alak.
"Oh, my God! You fùck Dom?!" At may pagturo pa siya sa akin habang sinasabi niya 'yon.
Putik na yan, muntik pa ko mabulunan, paano niya nahulaan agad.
Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko at may lumabas na konting alak.
"Paano mo nalaman?" Ang tanong ko sa kanya dahil talaga naman nakaka-amazed na nahulaan niya.
"Ano ka ba sobrang obvious kaya kung asar-asarin ka niya dun sa reunion at nagjo-joke pa siya na papakasalan ka na daw niya, teka tama ba, para kasing 'yon yung rinig ko eh!" Ang sabi pa ni Ava na parang di pa siya sure pero tama siya 'yon talaga ang laging banat sa'kin ng sinungaling na si Dominique.
Dominique Ferrer a.k.a. as Dom.
(FLASHBACK)
"We need to talk." Ang sabi sa akin ni Dom habang nasa loob kami ng isang coffee shop.
"I think we should chill for a while." Napakunot noo ako sa sinabi niya.
We are chill, we are more than chill dahil ilang beses ng may nangyari sa amin so ano'ng problema niya pero sa tono ng pananalita niya at itsura ng mukha niya ay parang...
Oh, my fùcking God, hindi ko pa man napapalitan ang status relationship ko sa mga social media account ay makikipaghiwalay na siya agad.
Ibang chill pa la yung ibig sabihin niya, akala ko naman chill na relax.
Tinignan ko siya ng seryoso like really he's dumping me.
"I can't believe this ang sabi mo mahal mo ko at ako ang gusto mo'ng maging asawa." Ang sabi ko pa sa kanya.
"Huh, kailan ko sinabi 'yon?" Ang tanong niya sa'kin na parang hindi niya naaalala na sinabi niya sa'kin 'yon.
"Yung pagkatapos natin mag-inom sa bar last saturday and then nagpunta tayo sa motel at sinabi mo 'yon while we we're having sѐx." Sinabi ko pa sa kanya ang kumpletong detalye kung kailan at saan niya sinabi 'yon.
"Well, I think that's not counted," ang sabi niya habang napapakamot sa kanyang ulo.
Okay, that's it, tumayo ako at nilayasan ko na siya, so hindi pala counted ah, kaya mula nun hindi na ko basta-basta naniniwala sa mga lalaki.
After a week ay nakita ko sa soc med na nagpalit si Dom ng status niya na in a relationship at may kasama pa'ng babae.
Fùck them magsama sila ng bago niya, akala naman niya magmamakaawa ako sa kanya!
Tawanan ko lang sila.
Sinadya ko talaga na hindi siya i-block, isa pa nga ako sa pumuso sa post niya'ng 'yon eh, haha pang-asar lang.
Ano'ng akala niya magiging bitter ako, kung gusto niya siya ang mag-unfriend sa'kin pero di naman niya ginawa.
Hanggang sa nagpandemic na tapos ang bilis ng karma, nagkahiwalay din sila ng jowa niya and then ang kapal din naman talaga ng face niya at sinisimulan-simulan na naman niya ko i-message.
Lagi daw niya ko naalala, miss na daw niya ko at sobrang nagsisisi daw siya sa ginawa niya sa akin, pwes para sa akin tama lang yung ginawa niya atleast nakilala ko ang pagkatao niya sa una pa lang, ini-ignore ko lang ang message niya hanggang sa nagsawa siya kaka-chat.
Pero nito'ng lately lang ay napapadalas na naman ang pangungulit niya sa akin online simula ng magkita kami ulit sa reunion.
Seen mode lang ako sa kanya.
He's so stùpid. Boys are stùpid.