EP8. Current Fling

903 Words
Farah Halos mapatulala si Ava sa kwento ko. "What the fùck! Ang gàgo pala ni Dom, pero seryoso hindi ka ba nasaktan?" Ang curious na tanong niya sa akin. "Siyempre tao lang din ako, na-hurt pero konti lang, sabihin na natin mas lamang ang inis ko sa kanya, isipin mo ah nung kami hindi niya ko binabalandra, low key lang kami, yun pala trip lang niya low-key-hin (lokohin)." Ang sagot ko sa kanya habang nagsasalin muli ng alak sa shot glass ko ng mapansin ko na hindi pa nakaka-isa si Ava ng tungga. "Oh, bakit hindi ka nainom?" Ang sita ko sa kanya. "Eh kasi!" Inilapit niya sa akin ang shot glass at tila pinapahiwatig na hindi siya iinom. "Ano nga? Parang tanga 'to, papahulain pa ko!" Ang sabi ko sa sa kanya. "Babalik pa ko sa office?" Ang pagdadahilan niya. "Babalik eh mag-aalas kwatro ka?" Ang nalilito ko'ng tanong sa kanya. Iniusog ko muli ang shot glass palapit sa kanya pero muli na naman niya'ng ito'ng ibinalik sa harapan ko. "Sige na tunggain mo na, hindi kita palalabasin dito," ang sabi ko pa kay Ava. "Okay, nagpa-plano na kasi kami ni Ben na," sabay haplos niya ng tummy niya. "Ano'ng plano, kakain kayo sa labas, sama naman," ang sabi ko sa kanya, okay lang naman maging third wheel ako sa date nila, ako naman ang naging match maker nila. Inirolyo niya ang kanyang mga mata bago muling nagsalita habang ako naman ay kinuha ang inusog niya'ng shot glass na may alak, kung ayaw niya inumin edi wag, more for me. "Nagpa-plano na kami magka-baby." Naibuga ko ang katutungga ko pa lang na alak, bahagya pa'ng natalsikan si Ava sa may bandang mukha niya pero buti konti lang. "Ano ba yan Farah!" Ang reklamo niya sa akin. Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya sa akin, kilala ko din 'tong babae na 'to eh sobrang utak din nito tapos ngayon gusto ng magpa-buntis. Tumayo si Ava at pumunta sa may sala, kinuha niya ang bag niya, binuksan 'yon at kumuha ng tissue para ipang-punas. Sinundan ko naman siya at pareho na kami ngayon naka-upo sa sofa. Tinignan ko siya ng seryoso. "Don't look at me like that," ang suway niya sa akin. "Baby, really? Hindi ba masyado'ng mabilis." Ang sabi ko sa kanya. "Talaga ba, sa'yo pa talaga nanggaling yan, nakipag-sѐx nga ako sa kanya 'di ba the first night na nagka-kilala kami." Ang sagot naman niya sa akin. "Baka nakakalimutan mo ikaw pa nga nambuyo sa akin eh," ang pagpapaalala niya pa sa'kin. "Ang pogi naman kasi ni Papa Ben eh tsaka halata naman na trip mo din siya eh tsaka huwag mo nga ako sisihin na sa'yo pa din ang final say nung gabing 'yon, itchusera ka, pasalamat ka na lang sa'kin dahil kung hindi sa'kin wala ka'ng ka-forever ngayon!" Pagpapaala ko din sa kanya. "Ah edi thank you!" Ang sabi niya pero halata naman na sarcastic lang. "Pero seryoso ready ka na ba maging mommy?" "Oo naman gusto ko na din, Farah na-realized ko din na hindi na tayo pabata, kailangan na din talaga plus mahal din namin ang isa't-isa eh!" Ang seryosong sabi niya. "Sana all may minamahal!" Ang sabi ko sa kanya. "Kung sinasagot mo na ba si Derrick eh di hindi kana taga sana all diyan!" Ang sabi niya habang yung mukha niya ay naka-ngisi parang nang-aasar. "Ano'ng pinagsasasabi mo, hindi naman 'yon seryoso, puro kalandian lang sinasabi nun tsaka tropa tropa lang kami!" "Weh, pustahan siya na magiging current fling mo!" Sabi niya na parang hindi naniniwala sa sagot ko at nakipagpustahan pa. Bahala nga siya kung ayaw niya'ng maniwala at syempre game ako sa pustahan. "Sige ba, magkano ba?" Hamon ko kay Ava. "Sus pagdating sa pera ganyan ka talaga, huwag na matatalo ka lang sure ako diyan!" Wow, confident yan! Takot lang siya matalo kaya umatras, kuripot din eh. "Naalala ko nga pala, yung sinabi mo sa'kin nung nakaraan, kaya ayaw mo sa kanya kasi you think na hindi ka niya kayang buhayin and I think mali ka ng akala sa kanya, na check mo ba yung mga soc med account niya," "Of course, ako pa, syempre na-check ko, huwag mo paniwalaan yung mga nakalagay dun, ikaw magpo-post ka ba kapag nasa pangit na lugar ka, of course magaganda na lugar lang yung mga naka-post niya dun, yabang lang niya 'yon!" Syempre chineck ko na mga social media accounts niya online, wala naman siya masyado post, meron mga ilang picture na nakasakay sa yacht, tapos meron din kuha sa magagandang lugar pero dahil alam ko na buraot siya malinaw pa sa sikat ng araw na puro pa social climb lang ang peg ni Derrick. Malay ko ba kung na-invite lang siya 'dun, alam ko gym instructor siya baka may mayaman siya na client or baka may kabit siya or kung ano man basta ang alam ko papansin at buraot lang talaga siya. Tumayo na siya Ava at isinukbit na niya sa balikat niya ang kanyang shoulder bag. "Well, I think it's time na gamitin mo ang skills mo at i-background check mo siya, sige uwi na ko ay este balik pala ako sa office." Ang paalam ni Ava sabay lakad at labas na ng apartment ko. Tignan mo 'tong babae na 'to, pabitin din eh, mukhang may alam hindi pa sinabi sa'kin talagang papahirapan pa ko. Tamad na ko mag-search lalo na kung walang bayad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD